English News
LIPA CITY, BATANGAS — The Philippine Statistics Authority (PSA) Regional Statistical Services Office (RSSO) IV-A conducted the Regional Data Dissemination Forum on Construction Statistics from Approved Building Permits on 24 November 2026 in Lipa City, Batangas, to present the latest developments in the construction sector across the CALABARZON region.
The forum featured the region’s construction statistics based on approved building permits, covering annual data from 2021 to 2025 and figures for January to June 2026. The presentation provided an overview of construction activities in the region, highlighting trends and developments in the number of constructions and other relevant indicators.
In his keynote message, Engr. Jose Christopher D. Mendoza, Division Chief of the Housing and Real Estate Development and Regulation Division (HREDRD) of the Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) IV-A, emphasized the importance of reliable statistics in shaping the construction sector. He emphasized that, “Through reliable statistics and informed decision making, we can shape the construction landscape that promotes not only economic progress but also safe, sustainable, and resilient communities.”
The forum also featured insights on the program and policy implications of construction statistics from Engr. Honey Grace D. Vibora, Engineer II of the Planning and Design Division of the Department of Public Works and Highways (DPWH) IV-A, and Engr. Ladislao L. Andal, Chairperson of the Sectoral Committee on Infrastructure Development (SCID) of the Regional Development Council (RDC) CALABARZON.
They both highlighted the relevance of construction data in infrastructure planning, development programming, and policy formulation.
Representatives from Local Building Offices (LBOs) across CALABARZON attended the forum, providing them with an opportunity to gain insights into the region’s construction trends and developments and recognize the importance of accurate construction statistics in supporting local planning, policy formulation, and decision-making. As part of the activity, the Top 15 LBOs (three LBOs per province) in CALABARZON were also recognized for their contributions to the collection and submission of construction data, underscoring the importance of local government offices in generating local level statistics.
Through the dissemination forum, PSA RSSO IV-A continues to strengthen public access to reliable and timely statistics and promote the use of official data among government institutions and other stakeholders in CALABARZON
GENERAL SANTOS CITY, November 23, 2026 – Leaders and key personnel of the Department of Science and Technology (DOST) from across the country gathered for the DOST Leadership Conference (LeadCon 2026), held on November 23–24 at London Beach Resort in General Santos City, to strengthen institutional leadership, foster collaboration, and advance science, technology, and innovation (STI) initiatives nationwide.
Hosted by DOST Region XII (SOCCSKSARGEN), the two-day conference brings together DOST officials, regional directors, provincial science and technology directors, and other key personnel to exchange experiences, discuss leadership challenges, and identify ways to improve the delivery of science and technology programs across regions.
Anchored on the theme of collaborative leadership and innovation-driven development, the conference highlights the role of regional and provincial offices in translating scientific advancements into practical solutions for communities, industries, farmers, and entrepreneurs.
DOST Secretary Dr. Renato U. Solidum Jr. is set to deliver the keynote address, titled “Bayanihan Innovation for a Resilient and Future-Ready Philippines: Advancing the Four Pillars in Every Region.” The discussion underscores the importance of collective action in advancing STI priorities and addressing the country’s development challenges.
The opening program also features messages from General Santos City Mayor Lorelie G. Pacquiao and DOST XII Regional Director Engr. Sammy P. Malawan, PhD, along with presentations and leadership discussions led by DOST officials and representatives from the Career Executive Service Board.
Among the highlights of the conference is the recognition of outstanding provincial leadership and institutional performance. Dr. Michael T. Mayo was named Best Provincial Science and Technology Director, while the Provincial Science and Technology Office (PSTO) of Cotabato under DOST Region XII received the Best PSTO Award.
The awards recognize their contributions to advancing science and technology initiatives and delivering programs that respond to the needs of local communities. They also highlight the importance of effective leadership and strong partnerships in bringing DOST services closer to their intended beneficiaries.
Other activities include the oath-taking of newly elected PSTD officers, presentation of service and special awards, and the leadership session “RD for the Day,” which provides participants with insights into the responsibilities and decision-making processes of regional directors.
The November 24 program will continue with discussions on effective government communications and team-building activities aimed at strengthening coordination and cooperation among DOST offices.
Since its establishment as the Provincial Science and Technology Directors Conference in 2009, LeadCon has evolved into a broader platform for leadership development and institutional collaboration. Its revival in 2022 and subsequent expansion reflect DOST’s continuing efforts to strengthen its leadership network and regional operations.
Through LeadCon 2026, DOST reaffirms its commitment to building a responsive and innovation-driven organization capable of addressing emerging challenges in food security, disaster resilience, climate change, energy sustainability, and industrial development.
The conference underscores that advancing science and technology requires not only research and innovation but also strong leadership, effective partnerships, and sustained public service across all regions. (Nelson Santos)
LIPA CITY, BATANGAS – The Philippine Statistics Authority Regional Statistical Services Office IV-A (PSA RSSO IV-A) joined the observance of the 2026 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) on 23 November 2026, carrying the theme “UNiTEd for a VAW-free Philippines.”
In support of the campaign, personnel wore orange tops as a show of solidarity and commitment to ending violence against women and children. VAW awareness films were also played on the television at the office lobby to provide personnel and visitors with information on VAW and encourage greater awareness of the issue.
Through these simple yet meaningful initiatives, PSA RSSO IV-A reaffirmed its support for a safe, inclusive, and VAW-free community where every woman and girl can live safely, freely, and with dignity.
Tagalog News
Muling iginiit ni Senador Loren Legarda ang panawagan para sa pagpasa ng Senate Bill No. 525, o ang Clean Gateway Cities Act of 2025, na naglalayong gawing regular at tuluy-tuloy ang paglilinis, pangangalaga, at pagpapanatili ng kaayusan sa mga pampublikong lugar at pasilidad sa mga pangunahing lungsod sa Pilipinas.
Inihain noong Hulyo 2025, itinatakda ng panukalang batas ang buwanang masusing paglilinis ng mga pampublikong kalsada, bangketa, at daanan, regular na maintenance ng mga pampublikong pasilidad, quarterly na inspeksyon sa kalinisan, at pagsusumite ng mga ulat tungkol sa pagsunod sa mga itinakdang pamantayan. Nagtatakda rin ito ng mekanismo kung saan maaaring mag-ulat ang mga mamamayan ng mga napapabayaang pasilidad upang matiyak na mabibigyan ng kaukulang aksyon ng pamahalaan ang kanilang mga reklamo.
Ayon kay Legarda, ipinakita ng malawakang paglilinis at pagpapaganda ng mga lungsod bilang paghahanda sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ang kayang gawin ng mga ahensya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan kung bibigyan ng prayoridad ang kalinisan.
“Bakit kailangan pang magkaroon ng ASEAN Summit bago linisin ang ating mga lansangan at bigyang-pansin ang ating mga pampublikong lugar? Kung kaya nating magpakilos ng mga tao at maglaan ng mga kagamitan at pondo upang ihanda ang ating mga lungsod sa pagdating ng mga dayuhang panauhin, tiyak na kaya rin nating panatilihin ang ganitong dedikasyon para sa mga Pilipinong araw-araw na gumagamit ng mga lugar na ito,” ani Legarda.
Binigyang-diin ng senadora na pangunahing tungkulin ng pamahalaan ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa mga pampublikong lugar. Dapat itong isagawa nang tuluy-tuloy, may malalaking pandaigdigang pagtitipon man o wala.
“Hindi naman natin hinihintay na may bisita bago maglinis ng sariling bahay. Kung paano natin inaalagaan ang ating tahanan, ganoon din dapat nating pangalagaan ang ating mga lansangan, parke, pampublikong gusali, at kapaligiran. Bakit kailangang may international event pa bago natin makita ang ganitong pagkilos?” diin ni Legarda.
Itinuro rin ng senador ang kalagayan ng ilang umiiral na imprastruktura, partikular ang naipong dumi sa mga haligi at poste ng MRT, bilang halimbawa ng pangangailangan para sa regular na paglilinis at pagmamantini.
“Tingnan na lang natin ang mga poste ng MRT. Marami sa mga ito, nangingitim na sa naipong dumi. Hindi ba maaaring regular na linisin ang mga ito, kahit sa pamamagitan ng pressure-washing kung angkop at ligtas naman? Basic maintenance lang ito. Hindi kailangang hintaying manlimahid ang ating mga pampublikong imprastruktura bago natin bigyang-pansin,” aniya.
Ayon kay Legarda, makatutulong ang regular na paglilinis at maagap na pagmamantini upang mapangalagaan ang mga pampublikong ari-arian, maiwasan ang pagkasira ng mga ito, at mabawasan ang pangangailangan sa mas magastos na rehabilitasyon sa hinaharap.
Sa ilalim ng kanyang panukalang Clean Gateway Cities Act, inaatasan ang mga lokal na pamahalaan na magtakda at maglabas ng mga iskedyul ng paglilinis na maaaring makita ng publiko, magsagawa ng regular na inspeksyon, at magtatag ng mga mekanismo kung saan maaaring magsumbong ang mga mamamayan tungkol sa mga napapabayaang pampublikong lugar at pasilidad. Susubaybayan ang pagsunod sa mga pamantayan sa pamamagitan ng isang sistema ng pagsusuri sa kalinisan.
Hinimok niya ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr), at mga lokal na pamahalaan na ipagpatuloy ang mga pagsisikap sa paglilinis na isinagawa bilang paghahanda sa ASEAN sa pamamagitan ng regular na iskedyul ng pagmamantini, malinaw na pagtatalaga ng mga responsibilidad, at sapat na pondo.
“Ang kalinisan at kaayusan ay hindi dapat pakitang-tao. Hindi dapat tayo nagmamadaling maglinis kapag may darating na bisita, pagkatapos ay babalik na naman sa dati kapag nakaalis na sila,” ani Legarda.
“Ipinakita ng mga paghahanda para sa ASEAN kung ano ang kayang gawin ng pamahalaan kapag ginagawa nitong prayoridad ang kalinisan. Karapat-dapat ang ating mga kababayan sa malinis, ligtas, at maayos na mga pampublikong lugar araw-araw, may nakatingin man sa atin mula sa ibang bansa o wala,” pagtatapos niya.
Nagtungo ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Antique–Aklan Community Service Center (AACSC) sa San Jose de Buenavista, Antique noong 20 Hulyo 2026 bilang bahagi ng koordinasyon sa isasagawang Balidasyon ng wikang Ináti.
Nakipagpulong sina Bb. Angelica Ellazar, Linguistics Specialist, at Bb. Hannah V. Salera, Senior Editor at Tagapag-ugnay ng Proyekto kay G. Guillermo A. Ambid III, Focal Point Person ng AACSC.
Tinalakay nila ang layunin ng proyekto, saklaw ng pangangalap ng language profile at wordlist, at ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa NCIP upang matiyak na maisasagawa ang gawain nang may paggalang sa kultura, kaalaman, at mga karapatan ng mga katutubong pamayanan, alinsunod sa mga umiiral na batas at alituntunin.
Nagpahayag din ng suporta ang AACSC sa inisyatiba ng KWF na maidokumento ang wikang Hamtikánon.
Ang pakikipagpulong ay nagsilbing paunang hakbang para sa maayos na pangangalap ng language profile at wordlist ng Wikang Hamtikánon sa Antique.
Mahalaga rin ito upang patibayin ang ugnayan ng KWF at NCIP sa pagtataguyod ng mga gawaing nakabatay sa paggalang sa mga katutubong pamayanan at sa kanilang mga wika at kultura
Opisyal na sinalubong ng Araneta City ang kapaskuhan kamakailan, sa pamamagitan ng engrandeng pag-iilaw ng kanilang iconic na dambuhalang Christmas tree sa Times Square Food Park.
Ang taunang tradisyong ito, na dinaluhan ng libu-libong sabik na manonood, ay ginawang maliwanag na simbolo ng saya ng kapaskuhan ang lugar, na hudyat ng pagsisimula ng isang buwang pagdiriwang ng lungsod.
Dumalo sa kaganapan si Quezon City Mayor Joy Belmonte, kung saan pinuri niya ang Araneta Group sa kanilang patuloy na dedikasyon sa masiglang kultura ng lungsod.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya na ang Christmas tree ay nagsisilbing simbolo ng pag-asa at pagkakaisa para sa lahat ng residente ng Quezon City, habang hinihikayat ang lahat na yakapin ang diwa ng pagbibigayan at katatagan sa pagtatapos ng taon.
Umabot sa rurok ang kasayahan nang umakyat sa entablado ang “Unkabogable” Phenomenal Star na si Vice Ganda. Kilala sa kanyang nakakahawang enerhiya, pinasaya ng superstar ang mga manonood sa pamamagitan ng isang powerhouse na pagtatanghal at taos-pusong pagbati sa kapaskuhan, kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng pamilya at pagsasama-sama sa panahong ito.
Nakibahagi rin sa pagdiriwang ang iba pang malalaking pangalan sa industriya ng entertainment sa Pilipinas, kabilang ang mga bituin ng mga inaabangang pelikula sa 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF) na sina Maricel Soriano, Jodi Sta. Maria, Andrea Brillantes, Yassi Pressman, at iba pang beteranong bituin sa telebisyon.
Ginawang isang malaking concert ang kickoff dahil sa kanilang presensya, kung saan ang bawat celebrity kabilang sina Caley Hope Magno, Isay Alvarez, Robert Sena, River Joseph, Brent Manalo, Joaquin Arce, Lela Ford, Elha Nympha, Reiven Umali, Lyka Estrella, 1621, Day One, at Mei Mei—ay nagbahagi ng personal na mensahe ng pasasalamat at pagbati sa mga tagahanga na sumuporta sa kanila sa buong taon.
Ang highlight ng gabi ay ang ceremonial countdown na pinangunahan ng mga opisyal ng lungsod at mga celebrity guest, na nagpasiklab sa makulay na mga ilaw ng dambuhalang Christmas tree.
Habang nagliliwanag ang istruktura sa kalangitan, sumabog ang hiyawan ng mga tao, na sinabayan ng isang synchronized na musical production na nagtakda ng perpektong tono para sa darating na kapaskuhan. Ang holiday kickoff ng Araneta City ay simula pa lamang ng mga nakalinyang aktibidad para sa “City of Firsts.”
Dahil ang Christmas tree ang nagsisilbing sentro para sa mga bisita, inaasahang mananatili itong pangunahing destinasyon para sa mga pamilya at turista na nais maranasan ang tunay na diwa ng Paskong Pilipino sa buong buwan ng Disyembre.
