Matagumpay na sanib operasyon ng pulisya
NAGING matagumpay ang sanib operasyon ng pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang provincial level most wanted person kamakailan sa Dasmariñas City, Cavite.
Kinilala ang akusado na si alyas Andy, 49, at kasalukuyang naninirahan sa Dasmariñas City.
Isinagawa ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit, katuwang ang mga tauhan ng Dasmariñas Component City Police Station at PNP Cavite Maritime Group, ang operasyon nitong Setyembre 9 sa naturang lungsod.
Inaresto ang akusado batay sa warrant na inisyu kaugnay ng umano’y paglabag sa Republic Act No. 9165, Artikulo II, Seksyon 11.
Ang warrant ay inisyu at nilagdaan ng Executive Judge ng Fourth Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 129, Dasmariñas City, Cavite, na may petsang Agosto 3, 2026, at may inirerekomendang piyansa na P200,000.00.
