YAKAP NA HANDOG NG PANGULO: KALINGANG NARARAMDAMAN, KALUSUGANG MAAASAHAN
Bilang bahagi ng patuloy na pagsulong ng Universal Health Care (UHC), sabay-sabay na isinagawa sa buong bansa ang YAKAP na Handog ng Pangulo noong Setyembre 14, 2026 na may temang “Serbisyong Pangkalusugan, Proteksiyong Pangkalahatan” katuwang ang iba’t ibang national at lokal na ahensya tulad ng DILG, PSA, mga Local Government Units (LGUs), DepEd, media partners, at mga piling accredited PhilHealth YAKAP at GAMOT providers.
Sa pamamagitan ng YAKAP na Handog ng Pangulo, higit na pinatitibay ng pamahalaan ang pangakong maghatid ng dekalidad, abot-kaya, at accessible na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino upang masiguro na bawat pamilyang Pilipino ay malayo sa sakit.
Bilang bahagi ng implementasyon nito, bawat lalawigan ay inatasang magsagawa ng tig-isang school-based at community-based activity upang mas maraming mamamayan ang mabigyan ng sapat na impormasyon at mas mapalawak ang kanilang akses sa mga serbisyong pangkalusugan.
Nakatakda ang aktibidad sa pamamagitan sa siyam na piling lugar sa rehiyon:
LAGUNA
📍 Alonte Sports Arena – Biñan, Laguna
📍 Pedro Guevara Memorial National High School – Santa Cruz, Laguna
CAVITE
📍 Greenbreeze EIementary School – Dasmariñas, Cavite
📍 New Provincial Government Center – Trece Martires City, Cavite
📍 Kanggahan Elementary School – Trece Martires City, Cavite
📍 Tagaytay City Velodrome – Tagaytay City, Cavite
QUEZON
📍 Philippine Normal University South Luzon – Lopez, Quezon
📍 Quezon Convention Center – Lucena City, Quezon
📍 Lucena East 7 Elementary School – Lucena City, Quezon
Bahagi ng aktibidad ang pagbibigay ng mahalagang kaalaman tungkol sa PhilHealth YAKAP at Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment (GAMOT) benefit.
Kabilang dito ang impormasyon hinggil sa pag-access ng primary healthcare services, regular na pagpapakonsulta sa mga accredited primary care providers, at availability ng outpatient medicines para sa mas maagap at tuloy-tuloy na pangangalaga sa kalusugan.
Tinatayang may 3,600 total ang nakilahok sa aktibidad kung saan:
- 1,648 ang sumailalim sa First Patient Encounter (FPE);
- 885 ang nabigyan ng konsultasyon mula sa YAKAP doctors;
- 361 ang nakapag-avail ng mga benepisyo sa ilalim ng GAMOT Program; at
- 368 ang matagumpay na nairehistro sa PhilSys.
Ayon sa PhilHealth, mahalagang bahagi ng programa ang paglapit mismo sa mga komunidad ng serbisyo sa ilalim ng YAKAP upang matiyak na ang mga miyembro ay may access sa mga serbisyo ng pamahalaan nang hindi na kinakailangang bumiyahe nang malalayo.
Lalo itong mahalaga para sa mga residente ng mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA), kung saan madalas na limitado ang access sa impormasyon at serbisyong pangkalusugan.
Bukod sa pagbibigay ng impormasyon at serbisyo, binibigyang-diin din ng PhilHealth ang kahalagahan ng opinyon at karanasan ng mga miyembro. Ayon sa PhilHealth, ang feedback mula sa mga miyembro ay mahalagang kasangkapan sa pagtukoy ng mga puwang o kakulangan sa paghahatid ng serbisyo at sa pagtiyak na ang mga programa at benepisyong ipinatutupad ay tunay na tumutugon sa aktuwal na pangangailangan at karanasan ng mga Pilipino.
Sa pamamagitan ng aktibong pakikinig sa mga miyembro, mas napabubuti at napapalakas ang mga serbisyo upang maging mas abot-kaya, at kapaki-pakinabang para sa lahat.
Ang YAKAP na Handog ng Pangulo ay isang inter-agency collaboration sa pakikipagtulungan sa mga katuwang na ahensya ng pamahalaan kabilang ang Department of Education (DepEd), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Health (DOH), bilang bahagi ng whole-of-government approach sa pagpapalawak ng akses sa serbisyong pangkalusugan.
Sa pamamagitan ng mas pinaigting na koordinasyon sa mga partner agencies at aktibong pakikilahok ng mga komunidad, inaasahan ng PhilHealth na mas maraming mamamayan ang mabibigyan ng pagkakataong makapagparehistro, makapag-empanel sa kanilang napiling YAKAP provider, at makagamit ng mga benepisyong pangkalusugan na kanilang nararapat matanggap.
Patunay ang YAKAP sa patuloy na pangako ng PhilHealth na ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat Pilipino at tiyaking walang maiiwan sa pagkamit ng de-kalidad, madaling ma-access, at makataong pangangalagang pangkalusugan para sa lahat.
Sa pamamagitan ng YAKAP at GAMOT, mas nagiging abot-kamay ang kalusugan at mas nagkakaroon ng pagkakataon ang bawat Pilipino na magkaroon ng mas malusog na kinabukasan.
Kaya naman, paalala ng PhilHealth na magpa-YAKAP na para malayo sa sakit. (SMOC)
