Warrant, isinilbi sa wanted na lola

INARESTO sa bisa ng warrant of arrest ang isang 67-anyos na babae kamakailan sa Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang akusado na si alyas Elvie, may-asawa, real estate agent, at residente General Mariano Alvarez.

Isinagawa ang operasyon dakong alas-6:30 ng gabi nitong Hulyo 1 sa Armstrong Subdivision, Barangay Salawag, Dasmariñas City ng operatiba ng Warrant Section ng General Mariano Alvarez Municipal Police Station.

Ang akusado ay dinakip batay sa mga warrant para sa pagpapatupad ng sentensiya kaugnay ng apat na bilang ng paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 (The Bouncing Checks Law), na inisyu ng Presiding Judge ng Municipal Trial Court, Fourth Judicial Region, General Mariano Alvarez, Cavite, na may petsang Abril 15, 2026.

 

 

Scroll to Top