Wanted sa rape, tiklo sa Naic
TIKLO ang isang Regional Level Most Wanted Person na may kasong rape sa operasyong isinagawa ng pulisya kamakailan sa Naic, Cavite.
Nabatid na dakong alas-6:30 ng umaga nitong Hulyo 14 ay inaresto ng mga tauhan ng warrant section ng Naic Municipal Police Station ang akusado na si alyas JOM, residente ng Maragondon, sa Barangay Timalan Balsahan, Naic.
Ang pagkakaaresto ay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 15, Naic, Cavite noong Hulyo 9, 2025 para sa kasong rape (Violation of Article 266-A (1) in relation to Article 266-B of the Revised Penal Code) at walang nakatakdang halaga ng piyansa sa warrant, na nagbibigay-diin sa bigat ng paglabag.
Isinagawa ang operasyon alinsunod sa mga itinakdang pamamaraan at idinokumento gamit ang Alternative Recording Device.
