Wanted sa Cavite ‘nalambat sa Batangas

HIMAS-rehas ang isang wanted sa Cavite matapos malambat ng mga awtoridad kamakailan sa Batangas.

Ang akusadong si alyas Donald na residente ng Lipa City, Batangas, ay isang Provincial Level Most Wanted Person.

Isinagawa ang manhunt operation ng mga tauhan ng Warrant Section ng Trece Martires Component City Police Station sa Barangay Tambo, Lipa City, Batangas dakong ala-1:10 ng madaling araw nitong Hulyo 21.

Ang pagkakaaresto sa akusado ay sa bisa ng warrant of arrest para sa tatlong bilang ng Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code kaugnay ng Section 5(b) ng Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).

Napag-alaman na ang warrant ay inilabas ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 90, Dasmariñas City, Cavite, noong Hunyo 5, 2020 na may inirekomendang piyansa na ₱200,000.00 bawat kaso.

Scroll to Top