Wanted sa Cavite ‘nadakma ng pulis-Dasma
BUMAGSAK sa kamay ng mga tauhan ng Dasmariñas Component City Police Station ang isang wanted sa Cavite kamakailan.
Ang akusadong si alyas Jay, residente ng Dasmariñas City, Cavite, ay isang Provincial Level Listed Most Wanted Person.
Isinagawa ang operasyon ng pulisya sa Barangay San Andres II, Dasmariñas City, dakong alas-2:45 ng hapon nitong Hunyo 15.
Isinilbi ng warrant personnel ng Dasmariñas CCPS ang warrant of arrest para sa paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa akusado.
Inilabas ng RTC Branch 128, Fourth Judicial Region, Dasmariñas City noong Pebrero 2, 2026, na may inirekomendang piyansa na PHP 200,000.00 ang nasabing warrant.
