Wanted sa Baccor ‘nasukol
ISANG city level most wanted person ang naaresto sa ikinasang manhunt operation ng pulisya kamakailan sa Bacoor City, Cavite.
Isinagawa ng mga operatiba ng Warrant Section ng Bacoor Component City Police Station ang operasyon nitong Hunyo 29 dakong alas-4:20 ng hapon sa Barangay Panapaan 1, na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusadong si alyas Ericka, 24, at residente ng naturang lungsod.
Inaresto ang akusado dahil sa paglabag sa Section 2 ng Republic Act No. 7832, o ang Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994.
Si Ericka ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Presiding Judge, RTC Branch 114, Bacoor City, Cavite, na may petsang Hunyo 29, 2026, na may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng ₱72,000.00 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Nabatid na ang operasyon ay isinagawa gamit ang alternative recording device.
