Wanted, nahuli sa Gentri
ISANG Most Wanted Person-City Level ang nahuli matapos ang matagumpay na joint police operation na isinagawa kamakailan sa General Trias City, Cavite.
Ang akusadong si alyas Angel, residente ng General Trias City, ay inaresto sa Barangay San Francisco, ng nasabing lungsod dakong alas-10:15 ng gabi nitong Mayo 18, hinggil sa kasong Violation of SSS.
Isinagawa ang pagkakaaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 128, Dasmariñas City, Cavite na may petsang April 11, 2025 at may inirekomendang piyansa na P72,000.00.
Pinangunahan ng warrant personnel ng Cavite Component City Police Station ang operasyon kasama ang 401st Regional Mobile Force Battalion.
