PBA IN AKSYON SAN MIGUEL BEERMEN VS TALK N TEXT TROPANG 5G 
NALUSUTAN ng pag lay up basket ni San Miguel Beermen Don Trollano ang mahigpit na depensa ni Glenn Khobuntin ng Talk N Text Tropang 5G sa pag haharap nila sa 49th PBA Philippine Cup finals game 2 sa Araneta Coliseum. Kung saan na itabla ng Beermen sa 1-1 ang ang seryeng best of seven. (REY NILLAMA) 
 
 

Trollano ng Beermen bida sa PBA Philippine Cup Finals game 2

NAITABLA ng Beermen ang serye best of seven series game 2 finals kontra Tropang 5G sa PBA Philippine Cup finals
Una dito humantong sa total iskor ang San Miguel Beermen ng 98 habang 92 naman sa Talk N Text sa kanilang pagtatagisan sa Araneta Coliseum. Kung saan ay nagawang tumabla ang serye best of seven sa game 2 1-1. 
Matatandaan na sa game 1 ay unang nabigo ang Beermen sa TNT kung kayat sa ikalawang pagkakataon na laban nila naman ay sinikap na maka alpas sa unang quarter ang Beermen ay lamang na kontra TNT 
Dahil dito hindi naman nawalan ng pag asa ang Tropang 5G kung saan ay patuloy silang nakikipag bakbakan upang makahabol sa puntos magkaganuon man hindi pa din pinalad na  makapantay man lamang ang kanilang pagsisikap bagkos ay humantong pa sa pagkakatanga sa court ni Erram bunsod ng kanyang injury. Kung kaya nagtala sa iskor na 75-74 pabor sa Beermen para sa ikatlong quarter. 
Sa pagpapatuloy ng aksyon tumikada ng pinaka maraming puntos si Trollano ng Beermen na 22 iskor upang tanghalin para best player of the game mula sa magkakaibang pag basket na siyang nanguna upang makamit ang tagumpay ng Beermen sa game 2.
Dagdag pa dito para sa 4th quarter ay humugot ng may pinakamataas iskor si Don Trollano, sa kanyang mga lay up, nagtala naman ng 17 points at 9 rebound si June Mar Fajardo, 16 points at 4 rebound naman kay Moa Tuatuaa. Jeron Teng 10, Cj Perez 4.
Nakapag tala naman ng pinaka malaking iskor para sa Talk N Text Tropang 5G si Calvin Oftana sa puntos na 23. Jordan Heading 17, Roger Pogoy 1
 
 
 
 

Latest News

SETUP-Assisted MSMEs Undergo Regional Evaluation in Region 1

To recognize the outstanding achievements of micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in Region 1, the Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1) conducted an on-site evaluation for the Calendar Year 2025 Search for the SETUP 4.0 Awards for MSMEs and the SETUP Praise Awards from July 7 to 10, 2025.

The regional evaluation mission, covering all four provinces of Region 1, was spearheaded by the Regional Program Management Office (RPMO) of DOST Region 1, led by Assistant Regional Director for Technical Operations Ms. Racquel M. Espiritu and Ms. Adelisa Florendo, SETUP Regional Coordinator for DOST Region 1, along with RPMO support staff.

The following SETUP-assisted firms were visited and evaluated during the on-site assessment: Bakers PH from Ilocos Norte; Malakas Farm Livelihood Development Enterprises, Nutridense Food Manufacturing Corporation from Pangasinan and Jaypee’s Bakeshop from La Union – nominated for the SETUP Praise Award; Costales Ricemill from Ilocos Sur nominated for the I-Ready Award (Most Industry 4.0 Ready);NIKS Printing Shop from Ilocos Sur, which was nominated for the ICON Award (Industry 4.0 Champion of Innovation). These enterprises showcased their technological upgrades and innovations made possible through the assistance of DOST’s Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP).

The evaluation process included site inspections, interviews with business owners and staff, and a thorough review of the enterprise’s innovation practices, technology adoption, productivity gains, and alignment with Industry 4.0 standards.

To ensure transparency and objectivity in the evaluation process, a panel of external evaluators was convened to join the on-site assessments. The panel was composed of Mr. Francis Gerald Amansec, Senior Economic Development Specialist; Dr. Arnelie G. Laquidan, Associate Professor V; Dr. Ismael Gurtiza, member of the Regional Technical Evaluation Committee (RTEC); Atty. Romina Boado-Cabrillos, Board Secretary VI; and Ms. Annalie L. Rosales, also a member of the RTEC. Their collective expertise contributed to a fair and comprehensive evaluation of the nominated SETUP-assisted firms.

The SETUP 4.0 Awards aim to highlight MSMEs that have demonstrated significant technological and operational improvements through DOST’s Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP). The SETUP Praise Awards, on the other hand, recognize firms that have shown exceptional commitment and performance in implementing their innovative strategies.

The awardees are carefully screened and selected by the panel of evaluators, and the official representatives of Region 1 will be recognized during the upcoming CEST and SETUP Summit in August 2025. This event will highlight the achievements of outstanding MSMEs and celebrate their contributions to innovation and regional development through science and technology. (Ms. Alyzza Jane N. Gapuz)

Legarda warns of massive negative impact of climate change to economy

Senator Loren Legarda today emphasized the urgency of climate action in the country, as climate change could cost the Philippines significant losses in life and in the economy.

“It previously reported that between 2014 and 2023, nearly 43 million Filipinos were displaced due to disasters. By 2030, the projected cost of productivity loss here in the Philippines from extreme heat alone could reach P466 billion annually,” Legarda pointed out during the launch of the ACT Local Programme in Sibalom, Antique.

The World Risk Index named the Philippines as the most-at-risk country due to climate change in the world for the 16th straight year, due to frequent and destructive storms.

If the country continues to display inaction in responding to the problem, climate change could wipe away 13% in the gross domestic product by 2040.

She also reminded the role of local  government units in being proactive in helping out their constituents as the point of contact during natural calamities.

Because of the difficulties in crafting a Local Climate Change Action Plan (LCCAP), the Climate Change Commission introduced the ACT Local Programme as a vital tool in facing climate threats.

“Ang pagpapatibay ng LCCAP ay isang mahalagang hakbang upang matiyak na ang Antique ay magiging mas ligtas at higit na handa sa pagtugon sa mga hamon at suliraning may kinalaman sa kalikasan,” said Legarda, who authored the Climate Change Act of 2009.

“While resources may be provided by the national government, it is equally important that actions are community-driven as solutions are proven to be more effective when grounded in the needs, experiences, and active participation of people at the local level,” she concluded. 

CARMONA HOOPS BASKETBALL TOURNAMENT PHASE 6

City Mayor Dahlia A. shows support Loyola, City Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr., and City Council Members during their attendance during the opening of Carmona Hoops Basketball Tournament Phase 6 at Carmona Villages Covered Court.

Expect the continuous support of the City Government in the development of sports programs in the City of Carmona. Long live Carmona players! (City Government of Carmona fb)

BACOOR CITY LED BY MAYOR STRIKE B. REVILLA VISITS PHILIPPINE EMBASSY IN SOUTH KOREA

Seoul, South Korea, July 14, 2025 – Bacoor City officials led by Mayor Strike B. Revilla conducted an official visit to the Philippine Embassy in South Korea. The visit was organized by the City Government of Bacoor and aimed to pay respect, foster goodwill, and discuss the purpose of their trip to Korea.

Joining Mayor Strike were Atty. Kim Nyca Lofrangco, head of the Office of the City Legal Service. They were warmly welcomed by His Excellency Theresa Dizon-De Vega, Philippine Ambassador to the Republic of Korea, along with other embassy officials.

The visit provided an opportunity for the Bacoor local government unit to strengthen ties with the embassy, exchange pleasantries, and engage in meaningful dialogue related to the city’s ongoing initiatives and international engagements in Korea. (City Government of Bacoor fb)

DASMARIÑAS CITY POLICE STATION LAUNCHES “RONDA PATROL, BANTAY BAYAN”

The Dasmariñas Component City Police Station proudly conducted the official Launching of “Ronda Patrol, Bantay Bayan” today, July 14, 2025, held at Brgy. San Agustin II, City of Dasmariñas, Cavite.

The activity commenced with an Invocation led by Pastor Jayson Guillera, Values Coordinator, followed by warm Welcome Remarks from PMAJ Henry P Villagonzalo, Deputy Chief of Police.

A significant highlight of the event was the Signing of the Memorandum of Understanding (MOU) between the Local Chief Executive (LCE), Action Program Director (APD), Chief of Police (COP), and representatives from TODA, JODA, BPATs, and Force Multipliers/Riders—a clear demonstration of strengthened partnerships in promoting peace and order.

The “Panunumpa ng Katapatan” was led by PLTCOL Regino L Oñate, Chief of Police, affirming the commitment of all stakeholders in safeguarding the community.

Inspirational messages were delivered by: Mr. Joel L. Caballero, Chairman of the Anti-crime and Community Emergency Response Team (ACCERT), PLTCOL Regino L Oñate, Chief of Police, and the Guest of Honor and Speaker, PCOL Dwight E Alegre, Provincial Director, who emphasized the importance of unity, vigilance, and proactive policing in maintaining a safe and orderly city.  (Cavite PPO fb)

PGC GROOVES TOWARD A SAFER, HEALTHIER CAVITE

In a fun and energizing twist to disaster preparedness, the Provincial Government of Cavite, through the Office of the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (OPDRRMO), kicked off its observance of the National Disaster Resilience Month (NDRM) 2025 with a heart-pumping “Sayaw para sa Kahandaan: Zumba for Resilience” on July 8, 2025.

Led by the ever-active PDRRMO team, headed by Ms. Eloiza G. Rozul, OPDRRMO Department Head, the zumba session brought together representatives from various provincial offices, the Bureau of Fire Protection (BFP), and disaster advocates, proving that preparing for disasters can be both dynamic and fun.

With high-energy routines led by a skilled PGC zumba instructor and a guest fitness coach, the event turned the Provincial Government Center ground into a lively dance floor of unity, health, and preparedness. Beats dropped, sweat flowed, and most importantly, awareness was raised.— R. Dones (CPIO)

Wanted sa kasong rape, swak sa sanib-operasyon ng pulisya

SWAK sa magkasanib na operasyon ng Silang Municipal Police Station, PIT Cavite RIU4A (Intel Pocket) at Calapan City Police Station ang isang wanted na may kasong rape.

Ang akusadong si alyas Jonar, ay residente ng Barangay Malabag, Silang, Cavite, at kasalukuyang naninirahan sa Del Pilar, Naujan, Oriental Mindoro.

Si Jonar, na Regional-Level Most Wanted Person at nasa talaan ng PRO-4A CALABARZON, ay naaresto dakong alas-12:30 ng tanghali nitong Hulyo 15 sa Barangay Biga, Oriental Mindoro.

Inihain sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Raquel Ventura Aspiras-Sanchez, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 3 (Family Court), Tagaytay City, Cavite, kaugnay ng two counts of Statutory Rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code, as amended by R.A. 11848 at walang inirekomendang piyansa.

MWP, timbog sa pulis-Mendez

TIMBOG ang isang Regional Level Most Wanted Person kamakailan sa mga operatiba ng  Mendez Municipal Police Station.

Ang akusadong si alyas Ver, residente ng Barangay Poblacion 6, Mendez, ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge RTC Branch 132, Fourth Judicial Region, Naic, Cavite, nitong Mayo 22.

Ito ay para sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na kinaharap ni Ver.

Naaresto si Ver dakong alas-8:05 ng umaga nitong Hulyo 15 sa Barangay Poblacion 6, Mendez, ng mga awtoridad na sumunod sa tamang proseso ng operasyon.

3 katao, tiklo sa pamumutol ng kable ng internet

TIKLO ang tatlo katao dahil sa pamumutol ng internet cable ng isang pribadong kumpanya kamakailan sa Bacoor City, Cavite.

Ang tatlong suspek na nasa kustodiya ng Bacoor Component City Police Station ay naharap sa kasong paglabag sa Section 4(d) ng Republic Act 10515 o ang Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013.

Naaktuhan ang nasabing pamumutol ng kable ng internet sa Barangay Mambog 3, Bacoor City dakong alas-5:00 ng hapon nitong Hulyo 14.

Kabilang sa mga ebidensiyang nakumpiska ay ang cable wire na umano’y nasa 57 metro na tinatayang P66,688.97 ang halaga, isang puting Suzuki Multicab, isang extendable ladder, at assorted cutting tools.

Kilalang SLI, huli sa mahigit P146K halaga ng shabu

HULI sa mahigit P146K halaga ng shabu ang isang kilalang Street Level Individual (SLI) matapos ang matagumpay na operasyon ng pulisya kamakailan sa Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang suspek na si alyas Boy, naninirahan sa Excess Lot, Barangay Sampaloc 1, Dasmariñas City at nakuha sa kanyang pag-iingat ang tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang tumitimbang ng 21.50 gramo at may standard drug price na P146,200.00.

Isinagawa ang buy bust operation ng Intel at City Drug Enforcement Team ng Dasmariñas Component City Police Station dakong ala-1:00 ng madaling araw sa Barangay San Agustin 1, nitong Hulyo at may koordinasyon sa PDEA.

CAVITE PPO, HANDA NA PARA SA SONA 2025

Bilang paghahanda sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) 2025 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa darating na Hulyo 28, 2025, buong pwersa ng Cavite Police Provincial Office (PPO) sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Dwight E Alegre, Provincial Director, ay nakaalerto at ganap na handa upang ipatupad ang mga kinakailangang hakbang para sa seguridad at kaayusan sa buong lalawigan ng Cavite.

Ang Cavite PPO ay kaisa ng pambansang pamahalaan sa layunin nitong tiyakin ang mapayapa, maayos, at ligtas na pagdaraos ng SONA 2025. Mahigpit ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, iba pang law enforcement agencies, at force multipliers upang mapanatili ang kaayusan sa mga lansangan, transport terminals, at mga pampublikong lugar.

Magtatalaga rin ng karagdagang kapulisan sa mga matataong lugar upang paigtingin ang police visibility, crime prevention, at agarang pagresponde sa anumang insidente. (Cavite PPO fb)

Online Driver’s License Renewal System, inilunsad

OPISYAL na inilunsad ng Kagawaran ng Transportasyon  at ng Kagawaran ng Impormasyon at Teknolohiyang Komunikasyon ang Online Driver’s License Renewal System (ODLRS) ng Tanggapan ng Transportasyon sa Lupa sa Bulwagang Romeo F. Edu sa Central Office ng LTO. 

Sa press conference, sinabi ng Kalihim ng DOTr na si Vince B. Dizon na “ito ang pagsisimula ng ODLRS kasama ang DICT at LTO.” Ang ODLRS ay maa-access at available online, kasama ang pagbabayad para sa medikal na pagsusuri.

Ang medikal na sertipiko ay ibibigay ng doktor online. Ang teksto tungkol sa matagumpay na pag-renew ng lisensya ay matatanggap ng humihiling.

Sinabi ni Dizon na inutusan ng Pangulo (Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.) ang DOTr at DICT na pasimplehin ang transaksyon ng publiko.

Itinuro niyang ang bayad ay maaari ring gawin online sa pamamagitan ng bangko, GCash, Maya at BDO. Ang pagsusuring medikal ay ginagawa rin online.

Sinabi ni Dizon na ang bayad sa pagpapadala ay nakasalalay sa courier tulad ng Air 21 o LBC. Idinagdag niya na anumang problema tungkol sa sistema ay maaaring ipasa sa pamamagitan ng e-gov app.

“Ang wastong e-license ngayon ay available sa e-gov app. Ito rin ay batay sa utos ng Pangulo na gawing mas madali ang lahat ng transaksyong pampamahalaan para sa publiko,” sabi ni Dizon.

Dahil ang MMDA (Metro Manila Development Authority) ang pangunahing nagpapatupad ng NCAP (No Contact Apprehension Policy), ang DOTr ay nakikipag-ugnayan na sa MMDA tungkol sa integrasyon ng pagbabayad ng mga lumabag. 

Ipinahayag naman ni DICT Secretary Henry Aguda ang pag-asa na bawat linggo ay magkakaroon ng ilulunsad na app.

Sinabi ni Undersecretary David L. Almirol, Jr., Undersecretary ng DICT para sa E-Government (Elektronikong Gobyerno), na “mayroong 75 ahensya ng gobyerno na naka-integrate na sa e-gov app sa pakikipagtulungan ng DOTr at DICT.”

“Ang Konektadong Pinoy ay nag-uudyok ng mas maraming manlalaro (mga tagapagbigay ng telecom) na magreresulta sa mas mababang gastos para sa publiko,” dagdag niya.

Sinabi ni DOTr Executive Director at Acting Assistant Secretary Atty. Greg G. Pua, Jr. na “hahanapin at ilalagay ng aplikante ang e-gov app.”

“Ang telemedicine para sa medikal na sertipiko ng aplikante ay ginagawa rin online.” “Mula sa e-gov app, ang aplikante ay pupunta sa NGA (National Government Agency), pagkatapos ay sa LTO at saka sa ODLRS application,” sabi ni Pua.

Ang elektronikong lisensya ng motorista ay available na sa e-gov app, na kasing ganda ng pisikal na lisensya.

Kalinisan, paalala sa mamamayan ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona

PATULOY ang pagpapaalala sa publiko ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona hinggil sa pagpapanatili ng kalinisan para sa kaaya-ayang kapaligiran.

Kaya naman mahigpit ang babala ng City Government of Carmona sa lahat kaugnay ng pagbabawal sa pagkakalat at pagtatapon ng kahit ano mang uri ng basura sa mga pampublikong lugar.

Nabatid na ito ay batay na rin sa umiiral na Municipal Ordinance No. 007-06 o Municipal Environment Code.

Mayroong kaakibat na kaparusahan sa mga aktong mahuhuling lalalabag gayundin ang mga maiuulat na hindi rin sumunod sa naturang ordinansa.

Dito ay maaaring kuhanan ng litrato o picture at pwede ring bidyuhan o kunan ng video ang makikita at mahuhuli sa aktong nagkakalat at nagtatapon ng basura.

Ang video o picture ay maaaring ipadala sa OCENRO ([email protected]) at CITCAO ([email protected]).

Papatawan ng multa na mula P 300.00 (First Level) hanggang Php 2,500.00 (Maximum Level) o/at ng community service ang mga lalabag.

Samantala, ang magre-report at magpapadala ng picture o video ay mayroong nakalaang pabuya na ang matatanggap na halaga ay ang limampung porsiyento (50%) mula sa nabanggit na kaukulang multa.

Regional Level MWP sa Bacoor, himas-rehas

HIMAS-rehas na ang isang Regional Level Most Wanted Person matapos maaresto kamakailan sa Bacoor City, Cavite.

Ang suspek na kinilalang si alyas Zenaida, residente ng Barangay Molino 3, Bacoor City, ay naaresto dakong alas- 4:30 ng hapon nitong Mayo 21.

Isinagawa ang operasyon ng magkasanib puwersa ng Warrant Section ng Bacoor Component City Police Station, na siyang lead unit, at ng 401st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 4A gamit ang Alternative Recording Device.

Inaresto ang suspek kaugnay ng kasong paglabag sa Seksyon 5 at 11, Artikulo II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nagmula ang warrant of arrest sa Regional Trial Court, Branch 19, Bacoor City, Cavite, na may petsang Mayo 14, 2025.

Ang korte ay walang piyansang inirekomenda para sa kasong nasa ilalim ng Section 5, at para naman sa Section 11 ay halagang P 200,000.00 ang recommended bail.

HVI, tiklo sa P340K ‘bato’

TIKLO ang isang High Value Individual sa operasyong isinagawa ng pulisya na nagresulta sa pagkakakumpiska ng P340K halaga ng umano’y shabu sa Bacoor City, Cavite kamakailan.

Ang suspek ay nakilalang si alyas Boss, residente ng Lagazo Compound, Barangay Panapaan 3, Bacoor City.

Siya ay naaresto ng mga tauhan ng Bacoor Component City Police Station sa Lagazo Compound, Barangay P.F. Espiritu 3, Bacoor City, dakong alas-5:45 ng hapon nitong Mayo 19.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek isang knot-tied transparent plastic bag at isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na higit kumulang 50 gramo at halagang P340,000.00 ayon sa Standard Drug Price.

Isinagawa ang buy-bust operation ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Bacoor CCPS na may koordinasyon sa PDEA.

Wanted sa Rosario, naaresto

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang Regional Level Most Wanted Person kamakailan sa Rosario, Cavite.

Kinilala ang suspek na si alyas Leo, naninirahan sa Barangay Sapa 2, Rosario.

Siya ay naaresto sa Gen. Trias Drive, Barangay Tejeros Convention, Rosario, dakong alas-7:20 ng gabi nitong Mayo 19.

Ang pagkakadakip sa suspek ay sa pamamagitan ng warrant of arrest para sa tatlong bilang ng Rape sa ilalim ng Art. 266-A (1) kaugnay ng Art. 266-B ng Revised Penal Code, at isang kaso ng Sexual Assault sa ilalim ng Art. 266-A (2) ng RPC kaugnay ng Section 5 (B) ng R.A. 7610.

Batay sa Regional Trial Court, Branch 17, Cavite City, na may petsa nitong Abril 8, ay walang inirekomendang piyansa para sa tatlong kaso ng Rape, habang P200,000.00 ang recommended bail para sa Sexual Assault.

Isinagawa ang operasyon ng Warrant Section ng Rosario Municipal Police Station katuwang ang Regional Intelligence Division/Regional Special Operations Unit (RID/RSOU), na gumamit ng Alternative Recording Device.

Legarda, pinangunahan ang pagtanggap sa mga delegado German media sa Pilipinas bilang paghahanda sa Frankfurter Buchmesse 2025

Pinangunahan ni Senadora Loren Legarda, ang tagapagtaguyod at visionary ng proyektong nagluklok sa Pilipinas bilang Guest of Honour (GOH) sa Frankfurter Buchmesse 2025, ang pagtanggap sa mga delegado ng German media para sa isang linggong paglalakbay at paglilibot sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang pagbisitang ito ay bahagi ng opisyal na pangako ng Pilipinas bilang GOH sa pinakamalaki at pinakaimpluwensyal na book fair sa buong mundo. Nilalayon ng programang ito na mas palalimin ang ugnayan sa pandaigdigang media at ipakita ang lawak at lalim ng panitikan, pamana, at malikhaing kultura ng Pilipinas.

“Mula sa karunungang katutubo, sa alaala ng kolonyalismo, sa hiwaga ng kalikasan, at sa pakikipag-usap sa buong mundo, doon nagmumula ang ating panitikan,” ani Legarda.

“Ang Frankfurter Buchmesse ay isang pandaigdigang entablado kung saan maririnig, makikita, at mauunawaan ang ating mga manunulat, ilustrador, tagasalin, at tagapaglathala.”

Naranasan ng delegasyon ng Aleman ang Filipino hospitality mula sa makulay na Pahiyas Festival sa Lucban hanggang sa mga programang pangkultura at panitikan sa Bulacan, Baguio, La Union, Iloilo, Antique, at Boracay. Bumisita rin sila sa mga eksibit at sentrong pangkultura gaya ng Hibla ng Lahing Filipino textile gallery, mga sentro ng paghahabi, at mga pasilidad para sa cotton processing na naitatag sa pamamagitan ng mga programang pangkultura ni Legarda.

“Matagal nang bukas ang Alemanya sa panitikan ng Pilipinas,” wika ni Legarda.

“Noong 1887, inilimbag sa Berlin ni Dr. Jose Rizal, ang ating pambansang bayani, ang kanyang pinakamahalagang akda, ang Noli Me Tangere, na nagsindi ng unang rebolusyong anti-kolonyal sa Timog-Silangang Asya.”

Sa pamamagitan ng mga talakayan at interaksyon sa mga manunulat, tagapaglathala, indigenous artisans, at cultural workers ng Pilipinas, nasaksihan ng delegasyon ang masigla at sari-saring puwersang bumubuo sa matatag at malikhaing pagka-Pilipino.

Gaganapin ang Frankfurter Buchmesse mula Oktubre 15 hanggang 19, 2025, sa Frankfurt, Germany, kung saan ang Pilipinas ang magiging Guest of Honour, isang natatanging pagkakataon para sa pagpapalawak ng merkado, pagbebenta ng karapatang pampaglilimbag, pagsasalin sa iba’t ibang wika, at cross-media adaptations.

CAVITE PNP, NAKI-ISA SA REGIONAL SIMULTANEOUS OPLAN BAKLAS

Camp BGen Pantaleon Garcia, Imus City, Cavite — Nakiisa ang Cavite Police Provincial Office, sa pamumuno ng Acting Provincial Director na si PCol Dwight E Alegre, sa Simultaneous Operation Baklas na inilunsad ng Police Regional Office CALABARZON ngayong araw, Mayo 20, 2025.

Isinagawa ang sabayang pagtanggal ng mga campaign posters, streamers, at iba pang election-related materials na ilegal na nakapaskil sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Cavite, katuwang ang mga City at Municipal Police Stations sa kanilang mga Area of Responsibility (AOR).

Ang aktibidad ay isinagaw bilang suporta sa kampanya ng PNP upang ipatupad ang mga batas at regulasyon ukol sa election propaganda materials, at bilang paghahanda na rin sa nalalapit na tag-ulan sa pamamagitan ng clean-up drive.

“Ang Operation Baklas ay hindi lamang para sa pagpapanatili ng kaayusan sa panahon ng eleksyon. Isa rin itong hakbang tungo sa kalinisan at kahandaan ng ating mga komunidad laban sa mga panganib ng pagbaha,” pahayag ni PCOL Alegre.

Nagpapatuloy ang Cavite PNP sa pagtugon sa direktiba ng PRO CALABARZON at ng pambansang pamunuan ng PNP upang matiyak ang mapayapa, maayos, at malinis na eleksyon sa buong lalawigan.

Scroll to Top