Subic Bay International Triathlon U15 category Dimayuga at Tan kampeon

CHAMPION MEN AND WOMEN U15 SUBIC BAY INTERNATIONAL TRIATHLON 
Unang nakatapos sa finish line si Diego Jose Dimayuga habang nangunguna nman si Lauren Lee Tan sa kanyang pagbibisikleta na ilan lamang sa kani-kanilang pag tatagisan para sa under 15 men at women kung saan sila ang nag kampeon sa katatapos na Subic Bay International Triathlon (SuBIT) na ginanap sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales. (REY NILLAMA) 
 
TINANGHAL na kampeon sina Diego Jose Dimayuga at Lauren Lee Tan ng Under-15 na dibisyon sa magkahiwalay na kategorya ng Subic Bay International Triathlon (SuBIT) sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales. 
Tinapos ni Dimayuga ang super sprint na karera ng mga lalaki (375m na paglangoy, 10km na pagbibisikleta at 2.5km na pagtakbo) sa 35 minuto at 59 segundo.
Nakuha naman ang ikalawang puwesto ni Kakampi Pio Mishael Gabriel (36:31), kasunod si Cebuano Joseph Ian Caluste ng Be Tritans (36:58).
Nangibabaw naman sa kababaihan si Tan sa oras nitong pag langoy 0:06:03, bisiklita 0:20:46, takbo 0:09:50 pumangalawa naman ang nakababatang kapatid ni Diego na si Naomi Rosalie oras nitong 0:06:27, 0:21:12, 0:09:57 na may kabuuan na 0:39:10 ayon sa pagkakasunod, pumangatlo ang Filipino-Pranses na si Alaina Bouffaut  na naorasan ng 0:06:17, 0:21:21 at 0:11:00 na total na 40:15 
Sinabi 15 anyos na si Dimayuga mula Silang, Cavite ng makapanayam ito. na may isang linggo lamang ang kanyang pag eensayo para sa naturang torneo bunsod ng pag kakasakit ng dalawang linggo. 
Magkaganun ma’am pinursige nila Dimayuga, Latonio at Caluste ang kanilang mga sarili para sa pag lahok sa National Age Group Triathlon na ginanap kamakailan 
Isang malaking parte na rin ang naganap na kumpetisyon bilang kahandaan upang maging karagdagan sa pagiging matatag at higit pang mapag handaan ang susunod na paligsahan sa darating na Hunyo 13 at 14. Kung saan ay 
 lalahukan din ni Dimayuga ang magaganap na Asian Youth Championships sa Xuzhou, China. 
Ayon pa kay Dimayuga gagawin niya sa abot ng kanyang kakayahan upang makapag uwi ng panalo sa bansa at kinasasabikan din nito ang makalahok na maireprensenta ang bandila ng bansa. 
Samantala, ang miyembro ng pambansang koponan ng Qatar na si Anes Khelili ay nagtala ng 1:06:36 upang talunin si Jarius Miguel Mejia ng De La Salle Zobel Triathlon Team (1:06:38) at si Lorenzo Claur ng Baguio Benguet Triathlon (1:06:48) sa standard na kategoryang panlalaki 16-19 taong gulang ng kaganapang inorganisa ng Triathlon Philippines at sinusuportahan ng Philippine Sports Commission at Subic Bay Metropolitan Authority.
“Gusto kong ibigay ang aking pinakamahusay. Isang kasiyahan na makibahagi at isang pagkakataon upang paunlarin ang aking mga kakayahan at pagbutihin ang aking ranggo sa Asya,” sabi ng 16 anyos na si Khelili.
“Napakahirap ng kurso. Mas mainit dito kaysa sa amin sa bahay. Sana makabalik ako sa susunod na taon,” dagdag pa ng graduating Grade 12 na estudyante mula sa Al Andalus School sa Doha.
Sa dibisyon ng kababaihan, si Naomi Felicity Aytin ng BYBS/GAS Coaching (1:23:33) ay nagwagi laban kina Fynley Quiban (1:25:25) at Keirstein Ann Marie Tigullo (1:27:23).
Ang mga kampeon sa kategoryang super tri-kids ay sina Marcus Jayden Balaquit at Danica Mireille Angodung (11-12), Rey Matthew Tundayag at Maiko Aleno (9-10), Ethan Geronimo at Jan Christel Culanag (7-8), at Thirdy Geronimo at Lucia Ysabel Sarmenta (6 pababa).
Ang iba pang mga nanalo sa karaniwang dibisyon ng kalalakihan batay sa edad ay sina Earl James Ting ng Be Tritans (20-29), Samuel Ebuen Bada ng Olongapo Junior Trackers Multisport (30-39), Raffy Dolor ng Artemis-Victory (40-49), John Erich Taca ng Team Megawide (50-59) at Diosdado Soriano ng BOST (60 pataas).
Sa dibisyon ng kababaihan, ang mga nagwagi ng gintong medalya ay sina Jan Mikaela Caruncho ng 2600 Tri Team (20-29), Sandra Inocillas-Pineda ng Sante Barley Tri Team (30-39), Lady Ro Anne Alviar ng UPLB Trantados (40-49) at Maria Beatriz Azcuna ng Beer Racer Beer (50 pataas). 
Namayagpag sa team kumpetisyon ang grupong Baguio, sinigundahan naman ng Opus Land Multi Sports at nakuhang pumangatlo ang grupong Sante Athletica na muling ibanalik para sa paligsahan na mga koponan. 
 
Scroll to Top