SKO SA BPSU BALANGA, BATAAN

Nagsagawa ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng dalawang araw na Seminar sa Korespondensiya Opisyal (SKO) sa Bataan Peninsula State University (BPSU), Balanga, Bataan noong 17–18 Hunyo 2026.

Layunin ng seminar-palihan na ito na mahikayat ang mga ahensiya at lokal na pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon at komunikasyon.

Sa unang araw, sinimulan ang programa sa paghahandog ng pagbati ni Prop. Cristina G. Rivera (Pangalawang Pangulo ng BPSU) at pambungad na pananalita ni Dr. Ruby B. Santos-Matibag (Pangulo ng BPSU) sa mga kalahok mula sa iba’t ibang branch ng unibersidad (Main, Balanga, Abucay, Balanga, Bagac, Dinalupihan, at Orani).

Tinalakay ni Tagapangulong Marites A. Barrios-Taran ang Atas Tagapagpaganap Blg. 335 at Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko. Sinundan ito ng panayam nina John Enrico C. Torralba ukol sa Ortograpiyang Pambansan at Jomar I. Cañega para sa Korespondensiya Opisyal.

Sa ikalawang araw, nagsimula ang programa sa mensahe ni Dr. Jaime M. Forbes (Pangalawang Pangulo para sa Gawaing Akademiko ng BPSU). Sumunod na isinagawa ang workshop sa mga binuong korespondensiya ng mga kalahok, tulad ng liham, memorandum, at resolusyon.

Scroll to Top