PSA IV-A: NAGBAYANIHAN PARA SA LIPATAN!

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng Quality Management System at pagpapabuti ng storage facilities ng tanggapan, matagumpay na isinagawa ng mga empleyado ng Philippine Statistics Authority (PSA) Regional Statistical Services Office (RSSO) IV-A ang paglilipat ng mga gamit, archived files, at iba pang mahahalagang dokumento ng opisina patungo sa bagong warehouse.

Layunin ng gawaing ito na higit pang mapabuti ang organisasyon, pangangalaga, at accessibility ng mga records at materyales,pati na ang segregasyon ng mga unserviceable items at valueless records na maaari nang idispose ng ahensya.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan at pagpapakita ng tunay na diwa ng bayanihan, aktibong nakibahagi ang mga kawani ng PSA IV-A upang matiyak ang maayos, episyente, at ligtas na paglilipat ng mga dokumento, records, at inventory items.

Ipinamalas ng mga empleyado ang kanilang dedikasyon, malasakit, at commitment sa organisasyon sa pamamagitan ng boluntaryong pakikilahok sa pagbubuhat, pag-aayos, at paglilipat ng mga kagamitan at dokumento.

Naipakita rin ang pagkakapantay-pantay o gender equality at teamwork na naging mahalagang salik sa matagumpay na pagsasakatuparan ang aktibidad.

Ang gawaing ito ay sumasalamin sa matibay na pagkakaisa at kultura ng pagtutulungan ng mga kawani ng PSA RSSO IV-A. Patunay ito ng kanilang patuloy na suporta sa mga inisyatibong naglalayong mapahusay ang operational efficiency at maisulong ang paghahatid ng de-kalidad na serbisyo publiko.

Scroll to Top