PhilHealth, Pinalalawig ang YAKAP at GAMOT Program
Mas pinalakas pa ng PhilHealth Regional Office IV-A ang kampanya nito para sa malawakan at abot-kayang kalusuagan sa pamamagitan ng pusupusang pagpapatupad ng dalawang pangunahing programa: ang Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) at ang Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Traetment (GAMOT).
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa pagsusulong ng Universal Health Care (UHC) Act upang matiyak na ang bawat Pilipino ay protektado laban sa mataas na gastusing medikal nang hindi na kinakailangan pang ma-ospital.
Sa ilalim ng PhilHealth YAKAP, ang mga miyembro at kanilang mga dependents ay makakatanggap ng mga sumusunod na benepisyo sa kanilang napiling YAKAP clinic:
- Primary Care Check-up at assesstment mula sa isang Primary Care Doctor ng napiling YAKAP Clinic.
- 13 Basic Outpatient Laboratory Tests:
- Complete Blood Count (CBC) with Platelet Count
- Lipid Profile
- Fasting Blood Sugar (FBS)
- Oral Glucose Tolerance Test (OGTT)
- Hemoglobin Test (HbA1c)
- Creatinine
- Chest X-ray
- Sputum Microscopy
- Electrocardiogram (ECG)
- Urinalysis
- Pap Smear
- Fecalysis
- Fecal Occult Blood Test (FOBT)
- 6 n Uri ng Anti-Cancer Screening Test (para sa maagang pagtuklas ng sakit):
- Breast Ultrasound
- Mammography
- Alpha Fetoprotein
- Liver Ultrasound
- Colonoscopy
- Low-dose Chest CT Scan
Sa ilalim ng programang GAMOT, may hanggang P20,000.00 halaga ng pangunahing gamot kada taon ang bawat miyembro. Sakop nito ang 54 na klase ng mahahalagang gamot kabilang ang:
- Anti-Infectious
- Anti-Hypertensive & Cardiology
- Nervous System
- Anti-Thrombotics
- Anti-Asthma & COPD
- Anti-Diabetes
- Ant-Dyslipidemia
Samantalang ang 21 essential medicines ay makukuha sa napiling YAKAP clinic.
Upang masiguro na maramdaman ng mamamayan ng Cavite, Laguna at Quezon ang alaga ng PhilHealth, patuloy ang proseso ng akreditasyon ng mga pasilidad sa buong rehiyon.
Sa kasalukuyan, mayroong 296 YAKAP providers sa Region 4A, kung saan 265 dito ay YAKAP-ready facilities na nakapag-comply na sa mga strict readiness requirements ng PhilHealth. Samantala, pinalawak na rin ang network ng mga partner pharmacies kung saan mayroon nang 223 PhilHealth GAMOT Providers sa buong rehiyon na rehistrado at handing mag-dispense ng mga libreng gamot sa mga miyembro.
Para sa mapakinabangan na programa, narto ang apat ns simpleng hakbang:
- Assignment: Magpa Pumili at magpatala sa isang YAKAP Provider gamit ang eGovPH mobile app o sa pinakamalapit na PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO).
- First Patient Encounter (FPE): Bumisita sa napiling YAKAP clinic para sa pagsusuri at pagtukoy ng tamang pangangalaga ng kalusugan.
- Empanelment: Pagpirma ng YAKAP Empanelment Slip (YES) para sa pagtataguyod ng pormal na ugnayan o relasyon sa pagitan ng miyembro at ng napiling Primary Care Clinic (PCC).
- Konsultasyon: Magpatingin sa YAKAP doctor ng clinic para mabigyan ng e-prescription kung kinakailangan ng gamot at laboratory/tests.
- Dispensing sa GAMOT Provider: Dalhin ang reseta sa alinmang accredited GAMOT pharmacy.
- Ang patuloy na pagdami ng mga PhilHealth YAKAP at GAMOT facilities sa Region IV-A ay patunay ng dedikasyon ng ahensya na ilipat ang serbisyong medical sa mga komunidad upang ang bawat pamilyang Pilipino ay manatiling “malayo sa sakit.”
- Para sa karagdagang impormasyon at listahan ng mga accredited YAKAP at GAMOT facilities sa inyong lugar, maaaring bisitahin ang opisyal na website ng PhilHealth sa philhealth.gov.ph o magsadya sa pinakamalapit na PhilHealth Local Health Insurance Office sa inyong lalawigan. ###(JDB)
