PH boys doubles squad nakapagtala ng makasaysayang panalo kontra Iraq sa unang ASTAF U19 Asian Sepak Takraw Championship 2026
ASTAF U19 ASIAN SEPAKTAKRAW CHAMPIONSHIPS 2026 PHIL VS IRAQ
Maganda ang naging simula ng host na Pilipinas matapos durugin ng boys doubles squad na sina Gab Silva, Jerald Evangelio at Julian Gamanay ang Iraq, 15-5, 15-5,
Ito ang kauna-unahang panalo ng koponan sa 1st ASTAF U19 Asian Sepak Takraw Championship na inihahandog ng Philippine Sports Commission at ginaganap sa Rizal Memorial Coliseum. Lahat ay mula sa Mindanao at unang beses na sumabak sa international competition.
Salitan sa pagpapakita ng husay sina Silva, Evangelio at Gamanay upang daigin ang mga Iraqi sa loob lamang ng 20 minuto at makuha ang kanilang unang panalo sa Group A.
Inorganisa ang torneo ng Philippine Sepak Takraw Association at pinahintulutan ng Asian Sepak Takraw Federation. Bahagyang nabawi ng panalong ito ang 8-15, 6-15 na pagkatalo ng PH girls regu squad nina Renelyn Montero, Jay Ann Balwit at Crestanyl Beganio kontra Vietnam sa Group A.
Dinaluhan ng 11 bansa mula sa Asya ang paligsahang ito para sa mga kabataan. “Masaya po kami dahil unti-unti na naming nakikita ang bunga ng lahat ng pinaghirapan namin sa training. Pero may mga bagay pa kaming kailangang i-adjust sa mga bata para lalo pa silang gumaling,” sabi ng masayang-masayang national coach na si Jason Huerte.“Katulad nga po ng sinabi ni Coach Jason, nagkaroon ng saysay ang lahat ng pagsisikap namin kaya masayang-masaya kami sa panalong ito,” dagdag ni Gamanay, 18, na taga-Pagadian, Zamboanga del Sur.
Masaya rin si Evangelio na taga-General Santos City. “Una sa lahat, nagpapasalamat kami sa Panginoon dahil kung wala Siya, wala po kaming magagawa. Nagpapasalamat din ako sa aming mga pamilya at coach na sumusuporta sa amin,” aniya.
Inamin ng tatlong manlalaro na kinabahan sila sa una nilang international match. Gayunman, sinabi ni Evangelio na “gusto naming maipakita na hindi kami basta magpapatalo sa ibang nasyonalidad.”Si Huerte, na nagwagi ng bronze medal sa men’s regu event sa nakaraang 20th Aichi-Nagoya Asian Games, ay nagsabing malamang na makaharap nila ang malakas na Indonesia.
“Nakita ko na ang laro nila kaya paghahandaan namin silang mabuti,” aniya. Sa iba pang boys doubles matches, tinalo ng Indonesia ang Chinese Taipei, 15-13, 17-15; nakabawi ang Thailand upang talunin ang Myanmar, 10-15, 17-16, 15-13; at nanaig ang South Korea kontra Malaysia, 15-12, 7-15, 15-12.Sa girls regu matches naman, tinalo ng Malaysia ang India, 15-5, 15-10; nanaig ang Thailand kontra Indonesia, 10-15, 15-8, 15-3; at dinaig ng Vietnam ang India, 15-8, 15-9.

FRANCIS LOPEZ NSAC FINAL MVP 2026 WITH PSC CHAIRMAN, JAI REYES NSAC CHIEF ORGANIZER