MWP, timbog sa pulis-Indang

TIMBOG ang isang Municipal Level Most Wanted Person (MWP) matapos ang matagumpay na operasyon ng mga tauhan ng Indang Municipal Police Station kamakailan sa Tagaytay City, Cavite.

Isinagawa ang police operation sa Barangay Maitim II Central, Tagaytay City, dakong alas-8:15 ng umaga nitong Hunyo 16, na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusadong si alyas Jen, residente ng Paete, Laguna.

Pinangunahan ng warrant personnel ng Indang MPS ang operasyon katuwang ang mga tauhan ng 401st Maneuver Company, RMFB 4A.

Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong qualified theft sa ilalim ng Article 310 kaugnay ng Article 308 ng Revised Penal Code.

Inisyu ang nasabing warrant ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 27, Sta. Cruz, Laguna noong May 8, 2024, na may kabuuang tatlumpu’t siyam na bilang ng kaso.

May inirekomendang piyansa na P40,000.00 para sa tatlumpu’t walong bilang ng qualified theft at P120,000.00 para sa isang bilang ng qualified theft, o may kabuuang halagang P160,000.00.

 

Scroll to Top