MWP, timbog sa pulis-Bacoor

TIMBOG ang isang Most Wanted Person (MWP) sa ikinasang manhunt operation ng mga tauhan ng Bacoor Component City Police Station kamakailan sa Bacoor City, Cavite.

Nakatalang MWP sa antas lungsod ang akusadong si alyas Leo, 58, at residente ng Barangay Zapote 3, ng nasabing lungsod.

Nabatid na nagsagawa ng manhunt charlie operation ang mga tauhan ng Warrant Section ng Bacoor Component CPS gamit ang Alternative Recording Device dakong alas-12:00 ng tanghali nitong Mayo 18 sa Barangay Zapote 3, Bacoor City.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto sa akusado dahil sa kasong Robbery sa ilalim ng Article 293 ng Revised Penal Code at Theft sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 06, Tanauan City, Batangas noong Pebrero 23, 2026 at may inirekomendang piyansang Php72,000.00.

Samantala, mayroon ding hiwalay na warrant of arrest na inilabas ang Presiding Judge ng MTCC Branch 5, Angeles City, Pampanga na may inirekomendang piyansang P10,000.00.

 

Scroll to Top