MWP sa Cavite, timbog sa Bacoor
TIMBOG ang isang Provincial Level Most Wanted Person (MWP) sa matagumpay na manhunt operation ng kapulisan kamakailan sa Bacoor City, Cavite.
Naaresto ang akusadong si alyas Jomar, 33, at residente ng Queens Row East, Bacoor City, sa Manhunt Charlie Operation na ikinasa ng mga tauhan ng Warrant Section ng Bacoor Component City Police Station sa Soldier Hills 4, Barangay Molino VI, ng naturang lungsod dakong alas-10:30 ng gabi nitong Hulyo 13.
Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 112, Bacoor City, Cavite, noong Abril 20, 2026 para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act No. 9165), partikular sa kasong Possession of Dangerous Drugs at walang inirekomendang piyansa ang hukuman.
