MTD LIVELIHOOD ASSISTANCE PARA SA MGA MALILIIT NA NEGOSYANTE SA BARMM

Nagkaloob ang Office of the Vice President – BARMM Satellite Office (OVP-BARMM SO) ng tulong pinansyal sa humigit-kumulang 12 indibidwal na benepisyaryo at isang kooperatiba, ang Family Action Towards Peace and Economics Inc., mula sa Tacurong City, Sultan Kudarat, noong Oktubre 20, 2026.

Sa pamamagitan ng Mag Negosyo Ta ’Day (MTD) Program, layunin ng tulong na magsilbing dagdag-puhunan upang masuportahan ang kanilang mga negosyo at mapatatag ang kanilang kabuhayan.

Patuloy ang OVP sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga maliliit na negosyante na mapalago ang kanilang negosyo at makalikha ng mas matatag na kita para sa kanilang mga pamilya.

Mahalin natin ang Pilipinas! (OVP)

Scroll to Top