Matagumpay na search warrant operation ng pulis-Trece

NAGING matagumpay ang isinagawang search warrant operation ng pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang lalaki at pagkakarekober ng baril na walang kaukulang lisensya at mga bala kamakailan sa Trece Martires City, Cavite.

Kinilala ang naarestong indibidwal bilang si alyas Arvin, 29, at kasalukuyang naninirahan sa Trece Martires City.

Ang operasyon ay nagmula sa search warrant na inisyu at nilagdaan ng Executive Judge ng Regional Trial Court, Branch 23, Trece Martires City, Cavite, na may petsang Agosto 24, 2026.

Isinagawa ng mga tauhan ng Trece Martires Component City Police Station ang operasyon nitong Agosto 30 kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nagresulta ang matagumpay na operasyon sa pagkumpiska ng isang revolver na kalibre .38 na walang serial number at dalawang piraso ng bala na kalibre .38.

 

 

Scroll to Top