Matagumpay na search warrant operation ng pulis-Kawit
NAGING matagumpay ang search warrant operation na isinagawa kamakailan ng mga tauhan ng Kawit Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakasamsam ng baril at mga bala sa isang lalaki.
Ang naarestong suspek ay nakilalang si alyas Eman, 57, at residente ng Kawit, Cavite.
Pinangunahan ng pulis-Kawit ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Cavite Special Weapons and Tactics Unit, Provincial Intel Team- Cavite, at Regional Intel Unit- 4A, Intel pocket, dakong alas-6:30 ng umaga hanggang alas-10:30 ng umaga nitong Hulyo 22 sa Barangay Tabon III, ng naturang bayan.
Nagresulta ito sa pagkakasamsam sa isang Taurus Model 1911 Caliber .45 ACP pistol, pitong magazine para sa Caliber .45 pistol, apatnapu’t siyam na live ammunition para sa Caliber .45 pistol, isang itim na holster para sa Caliber .45 pistol, at isang olive green na sling bag.
