Maraño ng Premier Volleyball League nagretiro na

ABY MARAÑO SA TOPS USAPANG SPORTS KASAMA SI EDWIN ROLLON NG SPORTSTEK.PH 
 
NAPALUHA ng bahagya na nag kwento sa pamamagitan ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) si Phil professional volleyball star Aby Maraño na kilalang ‘Tyang Aby’ ng kanyang fans para sa kanyang opisyal ng pagreretiro bilang player ng Premier Volleyball League (PVL). 
Sa kanyang pagbisita sa TOPS kamakailan, naalala pa niya ang matinding pagsisikap niya noong kabataan sa paglalaro ng volleyball, disiplina dahil sa gusto niyang maabot ang matayog na pangarap na kilalanin bilang pinakamahusay na manlalaro ng bansa.
Ginunita niya ang paglalaro ng volleyball noong 11-anyos siya mula sa paggawa ng net ay itinatali pa nila ito sa puno o kaya ay sa posteng pinagpatungan lang ng mga bato para tumibay. “Tuwing may daraan pang tricycle ay itataas pa namin ang net para makadaan ang sasakyan, sobrang hirap ng panahon na iyon nu’ng bata pa ako, pero naroon ang pangarap ko e. Hindi ko rin naranasan noon ang maglakwatsa, puro ako aral at training.”
Naiiyak kasi ako kasi kung babalikan ko iyong mga nakasama ko ay mami-miss ko iyong samahan namin, chemistry. Si Myla Pablo nga ilang beses kaming nagtatawagan, umiiyak siya at nalulungkot sa desisyon ko.” 
Sa edad niyang 34 sa ngayon, isang malaking oportunidad ang dumating nang italaga siya sa isang managerial position ng kumpanyang F2 Logistics na sakto naman sa plano niyang iretiro na ang paglalaro lalo na at matatapos na siya sa master’s degree ng kanyang kurso sa ngayon na may kaugnayan sa logistics.  
“Dito sa trabaho ko ngayon nga gusto kong matutunan ang degree ng trabaho ko at ang total operation, it’s a great experience.”  
Ipinapayo rin niya sa mga kabataang atleta sa ngayon na, “Hindi lang dapat puro training at laro, kundi pagtuunan din ng pansin ang pag-aaral at edukasyon dahil di habang panahon malakas at maglalaro ang kabataan, kailangang may kursong matatapos upang magkaroon ng future sakaling dumating ang point na titigil na sa paglalaro.” 
Nabanggit din ni Maraño na wala siyang iniindang anumang injury o karamdaman upang maging dahilan ng kanyang pagreretiro kundi bagong karera ang kanyang pagtutuunan ngayon ng pansin kung kaya siya magbibitiw sa paglalaro. “Talagang natutunan ko lang sa volleyball na maging disiplinado sa sarili, matulog nang maaga, kumain ng tama at healthy living lang talaga para makaiwas sa injury.” 
Magkahalong lungkot at saya ang kanyang anunsiyo na bigyan na rin ngayon ng prayoridad na magamit ang pinag-aralan sa kolehiyo at hindi habang panahon na siya ay maglalaro.
Pinabulaanan naman ni Maraño na siya ay mag-aasawa na bagamat inamin niyang in a relationship siya at masaya ang kanyang buhay pag-ibig.  “Gusto ko munang magpokus sa bago kong career.”
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Scroll to Top