Mapua tinalo ang Lyceum sa play-ins, haharapin naman sa QF ang Letran
MAPUA UNIVERSITY VS LYCEUM OF THE PHILIPPINES
Hindi nahirapan ang Mapua sa NCAA Season 102 men’s basketball play-ins matapos nilang talunin ang Lyceum, 83-68, sa San Juan Arena. Dala ang twice-to-beat advantage bilang ika-apat na seed ng Group A, tuluyan nang tinapos ng Cardinals ang kampanya ng Pirates.
Dahil dito, haharapin ng Mapua ang top seed ng Group B na Letran, na nagtapos na may 9-4 record, sa quarterfinals. Sa laban na ito, ang Mapua ang may twice-to-win disadvantage. Nagpakitang-gilas si Ivan Lazarte sa oras na kailangan siya ng koponan.
Nagtapos siya na may 25 puntos, limang rebounds, dalawang assists, at isang steal, kung saan perpekto ang kaniyang 3-for-3 shooting mula sa labas ng arc. Isa lang ang mintis niya sa kabuuang 10 tira mula sa field.“Hindi ko iniisip na hindi ako hundred percent.
Kailangan namin mag-buy-in sa sistema ni coach (Chito Victolero) ngayon. ‘Yon ‘yong gusto namin, mag-buy-in at manalo,” ani Lazarte. Gayunpaman, mabilis niyang pinigil ang maagang selebrasyon ng Mapua.“No time to relax, no time to celebrate, focus agad kami sa next game namin.
”Nakatulong din sa tagumpay ng Mapua sina Russell Liwanag at Cyrus Cuenco na nagtala ng 15 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod. Nag-ambag din ng 11 puntos si Jamal Diaz.
Ibinuhos naman ni Mclaude Guadana ang lahat sa kaniyang huling laro bilang Pirate kung saan siya umiskor ng 15 puntos. Nagtapos naman na may 12 puntos si Renzelle Villegas, habang ang rookie na si Matthew Rubico ay nagtala ng 11 puntos at siyam na rebounds sa pagkatalo ng Lyceum.