LRT-2 NAGLUNSAD NG MOBILE PHONE, VISA, MASTECARD DEBIT, CREDIT CARD SSS CARD

Kasagsagan na sa kasalukuyan ang paggamit ng digital na pagbabayad ng mas mabilis at mas maginhawang pagbabayad sa pamasahe.

Kasagsagan na ngayon ng pagbabayad ng pamasahe sa LRT-2 gamit ang Visa at Mastercard debit at credit cards, NFC-enabled na mobile at wearable devices, at iba pang digital payment options matapos ilunsad ang cashless payment system ng rail line kamakailan lang sa Legarda LRT 2 Station. 

Inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Transportation (DOTr) na ilunsad ang mga digital payment system sa lahat ng linya ng tren para mas madali at maginhawa ang pagbabayad ng mga pasahero.

Sinabi ni Transportation Secretary Banoy Lopez na ang mga cashless na opsyon sa LRT-2 line ay magpapahintulot sa mga pasahero na hindi na kailangan pumila sa mga counter, kaya makakatipid sila ng oras.

“Malaking bagay ito sa mga pasahero natin sa linya sa LRT-2 lalo na sa mga estudyante ngayong pasukan. Mas madali na ang pag-commute dahil mayroon na tayong digital payment system.

Alam naman natin na ang dinaraanan ng LRT-2 ay University Belt kaya convenient ito lalo na sa mga pasahero nating estudyante,” ani Secretary Lopez.

Ang bagong cashless na sistema ay naging posible sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng DOTr, Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC), Light Rail Transit Authority (LRTA), at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Bahagi ang inisyatibang ito ng mga pagsisikap ng gobyerno na i-digitalize ang karanasan sa pampublikong transportasyon, kasunod ng matagumpay na paglulunsad ng cashless payments sa MRT-3 noong 2025.

Sinabi ni Transportation Undersecretary for Railways Timothy John Batan na ang pagpapalawak ng mga opsyon sa pagbabayad ay magbibigay sa mga pasahero ng mas malaking flexibility habang nakakatulong din ito na matugunan ang kakulangan ng kard na naranasan noon sa pamamagitan ng pagbawas ng pag-asa sa mga stored-value card.

“At ang ginagawa po natin ngayong araw na ito, ay ang magdagdag ng pagpipilian. To give more choices to our commuters for LRT-2. At nang sa ganoon, yung mga nangyari po sa nakaraan na nauubusan po tayo ng cards, nauubusan po tayo ng chips, ay hindi na po mangyayari ulit. Goodbye card shortage, isa po yan sa mga pangako ng proof-of-concept na ito,” Usec. Batan said.

Dagdag pa ni Usec. Batan, ang pagpapalawak ng mga opsyon sa pagbabayad ay magbibigay-daan din sa gobyerno na ma-access ang real-time na datos sa pagbiyahe, na makakatulong upang mabilis na malaman kung saan at kailan kailangan ng karagdagang biyahe ng tren, ma-optimize ang mga ruta, at makagawa ng mas maayos na desisyon sa pamumuhunan sa riles.

“Dahil po sa ginagawa natin ngayon, mas mapapadali po sa gobyerno, mas mapapadali po sa DOTr at sa atin pong ibang mga ahensya ng gobyerno na malaman kung saan po nagmumula at saan po nagtutungo ang ating mga commuters. At real-time, malaman po natin, mas kailangan pala ng dagdag na train trips dito, ng dagdag na kailangan na ruta dito, mas kailangan ng dagdag na investment sa riles dito,” Usec. Batan said.

Bilang bahagi ng Automated Fare Collection System (AFCS), papayagan ng inisyatibang ito ang mga pasahero na magbayad direkta sa mga gate ng LRT-2 gamit ang EMV contactless bank cards, NFC-enabled na mobile at wearable devices, at ang GCash Commute QR feature.

Kailangan lang ng mga pasahero na gamitin ang kanilang preferred na digital na paraan ng pagbabayad sa mga dedikadong RCBC fare gate pagpasok at muli sa mga RCBC-enabled exit fare gate paglabas sa istasyon.

Inanunsyo ni Finance Secretary Frederick Go na mag-aalok ang RCBC ng PISO Fare Cashback Promo mula Hulyo 13 hanggang 31, 2026. Sa ilalim ng promo, ang mga pasahero na gagamit ng kanilang MySSS Card Powered by RCBC DiskarTech ay magbabayad lamang ng ₱1 para sa mga kwalipikadong biyahe sa LRT-2, at ang sobra sa ₱1 ay ibabalik sa kanilang account sa loob ng tatlong araw ng banking. Ang promo ay puwede hanggang sa walo na kwalipikadong biyahe kada araw.

“Utos po ito ng Pangulo na maghanap kami ng paraan na mapadali, mapamura, at mapaginhawa ang buhay ng ating mga mamamayan. Kung meron kayong SSS card, mabilis gamitin at mas importante dyan ay piso fare for the next two weeks kapag ginamit ninyo ‘to,” Sec. Go said.

Para sa kanya, binigyang-diin ni Sekretaryo ng Impormasyon at Komunikasyon na si Henry Aguda na ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng whole-of-government approach, pinagsasama-sama ang DOTr, Social Security System, Public-Private Partnership Center, BSP, at ang pribadong sektor.

“Nakita niyo naman hindi lang magiging convenient ang digital payment pero nabanggit na din kanina ni Sec. Go kung nasaan tayo ngayon in regards to Instapay at PESONet fees. This is a whole-of-government approach from DOTr to SSS, PPP Center, to everybody who participated to the event, and BSP, to the private sector po,” Sec. Aguda stated.

Nandoon din sa paglulunsad sina LRTA Administrator Hernando Cabrera, Turkish Ambassador sa Pilipinas HE Niyazi Evren Akyol, BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan, LANDBANK President at CEO Ma. Lynette Ortiz, SSS President at CEO Robert Joseph de Claro, Public-Private Partnership Center of the Philippines (PPPC) Executive Director Rizza Blanco-Latorre, RCBC President at CEO Reginaldo Anthony Cariaso, pati na rin ang mga kinatawan at kasosyo mula sa Visa Philippines, Mastercard, GCash, at Google Pay.

 

Scroll to Top