Lalaki; huli sa boga, bala sa bisa ng search warrant
HULI ang isang lalaki kasabay ng pagkakasamsam sa pag-iingat nito ng iligal na baril at mga bala sa search warrant operation na isinagawa ng mga awtoridad kamakailan sa General Trias, Cavite.
Ang pagkakaaresto sa suspek na si alyas Rigor, residente ng General Trias City, ay bunsod ng paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Isinagawa ang operasyon ng Sector 1 Patrollers, Intelligence Operatives, SWAT personnel ng General Trias Component City Police at PMFC ng Cavite Police Provincial Office umaga nitong Mayo 13 sa Barangay Corregidor, ng naturang lungsod.
Ito ay sa bisa ng Search Warrant na inilabas ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 23, Trece Martires City, Cavite nitong Mayo 11.
Sa pagkakaaresto sa suspek ay nasamsam ang isang caliber .38 revolver na may serial number 16192 at tatlong (3) piraso ng caliber .38 live ammunition.
