KWF inilimbag ang Ikalawang Edisyon ng Tarabay iti Ortograpia ti Pagsasao nga Ilokona

Ang ikalawang limbag na gabay-aklat ay para sa mga guro, mag-aaral, manunulat, at sinumang nais mapayaman ang kaalaman sa wikang Ilokano.

Maaaring makipag-ugnayan sa Komisyoner sa Ilokano, Dr. Benjamin M. Mendillo, Jr., para makakuha ng libreng sipi nito mula sa Aklat ng Bayan, Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Gayundin, maaaring makipag-ugnayan sa GUMIL FILIPINAS at Chapters nito para sa distribusyon ng naturang aklat na malapit sa inyong lugar.

Patuloy nating pahalagahan at paunlarin ang mga wika sa Pilipinas bilang bahagi ng ating kultura, pagkakakilanlan, at pagkakaisa.

 

Scroll to Top