KWF at AUF, Lumagda ng Memorandum ng Unawaan

Isinakatuparan ang isang maksaysayang lagdaan ng Memorandum ng Unawaan (MOU) para sa pagtatatag ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa  Angeles University Foundation noong 6 Mayo 2026.

Lumagda para sa panig ng KWF sina Atty. Marites A. Barrios-Taran, Tagapangulo ng KWF, at Dr. Carmelita C. Abdurahman, Fultaym Komisyoner para sa Programa at Proyekto.

Pinangunahan naman nina Dr. Cavin F. Pamintuan, Vice President for External Affairs at  Dr. Jennifer P. Santillan, College of Education Dean, kasama ang iba pang Opisyal ang paglagda para sa panig ng AUF.

Ang seremonya ay naglalayong palakasin ang ugnayan ng dalawang institusyon sa pagpapaunlad ng wika at pananaliksik sa pamamagitan ng pagtatatag ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa loob ng pamantasan. Itinalaga bilang Direktor ng SWK AUF si G. Christian Nicole M. Estrada, na siyang magiging katuwang ng KWF sa mga proyekto at gawaing pangwika.

Scroll to Top