Inflation sa CALABARZON, umabot sa 7.6 porsiyento noong Oktubre 2026
CITY OF LIPA, Batangas – Naitala sa 7.6 percent ang headline inflation sa rehiyon ng CALABARZON para sa buwan ng Oktubre 2026, ayon sa pag-uulat ni
Regional Director Charito C. Armonia ng Philippine Statistics Authority (PSA) CALABARZON, sa ginanap na regional press conference nitong Lunes, ika-9 ng Nobyembre taong kasalukuyan.
Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ay bahagyang mas mabilis kumpara sa inflation ng rehiyon noong Setyembre 2026 na nasa 7.2 percent, at mas mabilis din kaysa noong Okture 2025 na naitala sa 2.5 percent. Sa kasalukuyan, ang year-to-date inflation rate mula Enero hanggang Setyembre 2026 ay tinatayang nasa 5.6 percent.
Sa mga pangkat ng kalakal at serbisyo, ang pangunahing dahilan ng mas mabilis na pagtaas sa pangkalahatang presyo sa rehiyon nitong Oktubre 2026, kumpara noong nakaraang buwan ng Setyembre 2026, ay ang pagtaas ng presyo sa Transport na may 18.3 percent inflation. Ito ay sinundan ng Housing, water, electricity, gas, and other fuels na may 11.2 percent inflation.
Sa mga grupo naman ng pagkaing produkto sa rehiyon, ang mga sumusunod na pangkat ay nagpakita ng mas mabilis na pagtaas ng presyo nitong buwan ng Oktubre 2026 kumpara noong buwan ng Setyembre 2026: Bigas (15.9 percent inflation); Flour, bread and other bakery products, pasta products, and other cereals (7.5 percent inflation); Fruits and nuts (13.6 percent inflation); at Ready-made food and other food products (5.5 percent inflation).
Samantala, nagpakita naman ng mas mabagal na pagtaas ng presyo nitong Oktubre 2026 ang mga sumusunod: Mais (6.6 percent inflation); Fish and other seafood (5.7 percent inflation); at Sugar, confectionery and desserts (0.5 percent inflation);
Sa kabilang banda, nagtala ng mas mabilis na pagbaba ng presyo nitong Oktubre 2026 ang Meat and other parts of slaughtered land animals, na may -4.2 percent inflation at nagpakita naman ng pagbaba ng presyo mula sa pagtaas noong nakaraang buwan ang Vegetables, tubers, plantains, cooking bananas and pulses sa antas na -2.1 percent.
Nagpakita naman ng pagtaas ng presyo ang Milk, other dairy products and eggs na may 0.5 percent inflation at nanatili naman sa kanilang antas ng inflation noong nakaraang buwan ang Oils and fats, na may 5.5 percent inflation.
Sa mga lalawigan at Highly Urbanized City ng CALABARZON, limang lugar sa rehiyon ay nagtala ng mas mataas na inflation rates nitong Oktubre 2026 kumpara noong nagdaang buwan: Batangas na may 6.2 percent inflation, Cavite na may 6.9 percent inflation, Laguna na may 9.2 percent inflation, Quezon na may 7.9 percent inflation, at Lungsod ng Lucena na may 6.3 percent inflation. Nanatili naman sa kanilang antas ng inflation ang Rizal na nasa 8.1 percent inflation.
Dagdag dito, naitala sa rehiyon ng CALABARZON nitong Oktubre 2026 ang 72 sentimong halaga ng purchasing power of peso (PPP) o ang halaga ng piso kumpara sa halaga nito noong 2018.
