Ikalawang Araw ng PSKO sa CBSUA, Matagumpay na Naidaos

Idinaos ang ikalawang araw ng Panlalawigang Seminar sa Korespondensiya Opisyal (PSKO), 25 Hunyo 2026, sa Sentro ng Wika, Kultura, at Sining ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) – Pili Campus.

Sa umaga, binigyang-linaw ni G. Wilbert M. Lamarca (Linguistic Specialist ng KWF) ang mga opisyal na tuntunin sa tamang pagbaybay at pagsulat sa pamamagitan ng pagtalakay sa Ortograpiyang Filipino.

Sa hapon naman ay tinalakay ni G. Patrick Bryan Q. Ablaza (Senior Deaf Advocacy Officer ng KWF) ang kahalagahan ng FSL sa ingklusibong pakikipag-ugnayan sa komunidad ng mga Bingi.

Nagtapos ang araw sa isang pangkatan at praktikal na Workshop sa Pagsulat bilang paglinang ng mga kalahok sa kanilang mga natutuhan sa mga tagapanayam.

Scroll to Top