HVI, SLI; himas-rehas

HIMAS-rehas ang isang High Value Individual (HVI) at isang Street Level Individual (SLI) matapos maaresto sa ikinasang buy-bust operation ng kapulisan kamakailan sa Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang dalawang suspek sa mga alyas Ne at Maria, kapawa residente ng Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City.

Ang buy-bust operation ay isinagawa ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Dasmariñas Component City Police Station sa nasabing barangay dakong alas-4:50 ng hapon nitong Mayo 19.

Sa pagkakaaresto sa mga suspek ay nagresulta sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang 65.00 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na P442,000.00.

Kumpiskado rin ang sampung pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang sling bag, isang digital weighing scale, at isang piraso ng P500.00 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Scroll to Top