HVI ‘laglag sa joint buy-bust operation
ISANG High Value Individual (HVI) ang naaresto matapos ang matagumpay na joint buy-bust operation ng pulisya kamakailan sa Dasmariñas City, Cavite.
Ang joint buy-bust operation ay isinagawa ng Cavite Police Provincial Office Provincial Drug Enforcement Unit at Dasmariñas Component City Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si alyas Kulot, 25, at residente ng Barangay Salawag, ng naturang lungsod.
Isinagawa ang operasyon sa Barangay Salawag, Dasmariñas City nitong Hulyo 27 dakong alas-3:30 ng hapon na may koordinasyon sa PDEA.
Nakumpiska sa suspek ang tatlong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 80 gramo, na nagkakahalaga ng ₱544,000.00 at isang pirasong ₱500 na buy-bust money.
