DFA AT ARANETA CITY, NAG-TEAM UP! Bagong Consular Office, Binuksan sa QC para sa mas mabilis na serbisyo
LUNGSOD QUEZON — Mas magiging madali at kumportable na ngayon ang pagkuha ng pasaporte at iba pang serbisyong konsular para sa mga residente!
Opisyal nang inilunsad ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Araneta Group ang kanilang bagong tanggapan sa loob ng komersyal na kompleks sa Araneta City.
Layunin nitong ilapit ang gobyerno sa taumbayan at wakasan ang siksikan at mabagal na transaksyon sa mga lumang opisina.
Mga Highlights ng Bagong Tanggapan:
Madaling Puntahan: Nasa loob ng komersyal na sentro para sa mas ligtas at komportableng transaksyon.
Espesyal na Lane: May inilaang courtesy lane para sa mga senior citizen, buntis, at mga taong may kapansanan (PWD).
Modernong Pasilidad: Dinisenyo para mapabilis ang pagproseso at matugunan ang dagsa ng mga aplikante araw-araw.
Dumalo sa engrandeng pagbubukas at pagbabasbas sina DFA Undersecretary Maria Theresa B. Dizon-De Vega, PDC President Manuel “Mar” A. Roxas, at Quezon City District III Councilor Wencerom Benedict “Wency” Lagumbay (na kumatawan kay Mayor Joy Belmonte).
Ayon kay Roxas, patunay ito ng matagumpay na pagtutulungan ng pribadong sektor at pamahalaan para sa pagpapatayo ng bansa.
Pinuri rin ng lokal na pamahalaan ang hakbang na ito dahil mas mapapabilis at mapapasimple nito ang serbisyo sa mga mamamayan.
Ang ribbon cutting ay pinangunahan nina Manuel “Mar” A. Roxas President, Progressive Development Corporation (PDC) under Araneta Group, Araneta City, Usec. Maria Theresa B. Dizon – De Vega Undersecretary for Administration DFA, Assec. Anne Jalando-on Assistant Secretary Office of Consular Affairs DFA, kasama sina Ms. Lorna D. Fabian SVP for Leasing, Araneta City, Ms. Elea V. Perez Head of Consular Office, CO NCR Northeast DFA, Dir. Charles Andrei P. Macaspac Director, Consular Office Coordinating Division, Hon. Wencerom Benedict “Wency” Lagumbay Councilor, District III, Quezon City, Mr. Juan Rowell L. Recinto Senior Management Consultant, Araneta City, Mr. Morriel A. Abogado Vice President for Operations, Araneta City.
