Barangay Payatas Kampeon sa Paligsahan ng Volleyball sa Buong Lungsod ng Quezon City

QC WIDE VOLLEYBALL TOURNAMENT CHAMPION – BARANGAY PAYATAS 
 
 
 
 
Nagpakita ng matinding sipag at galing ang koponan ng Volleyball ng Barangay Payatas sa kamakailang Final ng Quezon City-Wide Volleyball Tournament 2026. 
Sa nasabing paligsahan ay ginanap sa DENR Multipurpose Gymnasium, Visayas Avenue, Quezon City.
Sa bawat galaw sa loob ng laro, ipinakita ng koponan ang matatag na determinasyon at matinding diwa ng pakikipaglaban upang makuha ang premyo ng pangkalahatang kampeonato.
Nanguna sa ikalawang pwesto ang Barangay Pansol, samantalang ang Barangay North Fairview ay nakakuha ng ikatlong pwesto.
Si Quezon City Vice Mayor Gian Sotto at ang Pinuno ng Quezon City Sports Development Office (QCSDO) na si Jun Gayoso ang namuno sa seremonya ng pagsasara ng paligsahan. 
Nagbigay din ng nakapagpapatibay na mensahe para sa lahat ng kalahok ang Kinatawan ng Ika-apat na Distrito ng Quezon City na si Bong Suntay.
Narito ang mga kampeon ayon sa bawat Distrito: Distrito 1 – Barangay Katipunan, Distrito 2 – Barangay Payatas, Distrito 3 – Barangay Pansol, Distrito 4 – Barangay Central
Distrito 5 – Barangay North Fairview at Distrito 6 – Barangay Baesa.
Habang opisyal naming isinasara ang Quezon City-Wide Volleyball Tournament 2026, nagpapasalamat kami sa Diyos para sa Kanyang paggabay, proteksyon, at napakaraming biyaya sa buong matagumpay na kaganapang ito.
Special congratulations to our overall winners Overall Champion – Barangay Payatas, 1st Runner-Up – Barangay Pansol, 2nd Runner-Up – Barangay North Fairview
Para sa District Champions nangunguna ang District 1 – Barangay Katipunan, District 2 – Barangay Payatas, District 3 – Barangay Pansol, District 4 – Barangay Central, District 5 – Barangay North Fairview at ang 
District 6 – Barangay Baesa
Lubos din naming pinasasalamatan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kanilang malasakit na pagpapahintulot sa amin na magamit ang kanilang lugar pang-sports, na nakatulong upang maging posible ang paligsahang ito.
Salamat sa lahat ng mga atleta, coach, opisyal, boluntaryo, at tagasuporta para sa inyong dedikasyon, sportsmanship, at simbuyo ng damdamin para sa laro. Sama-sama, ipinagdiriwang natin hindi lamang ang tagumpay kundi pati na rin ang pagkakaisa, pagkakaibigan, at diwa ng pamayanan. To God Be The Glory QCVolleyball2026.” mensahe mula sa Quezon City Development Office. (MARLON BERNARDINO) 
 
 
Scroll to Top