Antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa CALABARZON, naitala sa 6.8 percent noong buwan ng Mayo 2026

CITY OF LIPA, Batangas – Naitala sa 6.8 percent ang headline inflation sa rehiyon ng CALABARZON noong buwan ng Mayo 2026, ayon sa paguulat ni Regional Director Charito C. Armonia ng Philippine Statistics Authority (PSA) CALABARZON sa ginanap na press conference nitong Huwebes, ika-11 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Ito ay mas mababa kumpara sa inflation ng rehiyon noong Abril 2026 na naitala sa   7.5 percent, at 1.6 percent naman noong Mayo 2025. Sa kasalukuyan, ang average inflation rate mula Enero hanggang Mayo 2026 ay nasa 4.6 percent.

Ang pangunahing dahilan ng mas mabagal na pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga kalakal at serbisyo sa rehiyon noong Mayo 2026, kumpara noong Abril 2026, ay ang mas mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Transport na may 13.3 percent inflation. Ito ay nakapag-ambag ng 75.0 percent share sa pangkalahatang pagbaba ng inflation sa rehiyon.

Ang pangalawang dahilan ng mas mabagal na pagtaas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo sa rehiyon noong buwan ng Mayo 2026 ay ang Food and Non-alcoholic Beverages na may 4.1 percent inflation.

Samanatala, sa mga pangkat ng pagkain sa CALABARZON, nagpakita ng mas mabilis na pagtaas ng presyo nitong buwan ng Mayo 2026 ang mga sumusunod: Bigas (12.0 percent inflation); Flour, bread, and other bakery products (4.7 percent inflation); Fish and other seafood (9.7 percent inflation); at Ready-made food and other food products (3.1 percent inflation).

Sa kabilang banda, nagpakita naman ng mas mabagal na pagtaas ng presyo nitong Mayo 2026 ang Corn na may 5.1 percent inflation, Milk and other dairy products and eggs na may 0.8 percent inflation, Oils and fats na may 10.9 percent inflation, Fruits and nuts na may 5.2 percent inflation, at Sugar, confectionery and desserts na may 1.5 percent inflation.

Nakapagtala naman ng mas mabilis na pagbaba ng presyo ngayong Mayo 2026 ang Meat na may -2.5 percent inflation. Nagtala rin ng pagbaba ng presyo mula sa pagtaas noong Abril 2026 ang Vegetables and tubers na may -1.8 percent inflation.

Sa mga lalawigan ng CALABARZON, ang lahat ay nakapagtala ng mas mabagal na pagtaas ng antas ng inflation rates noong Mayo 2026 kumpara noong Abril 2026: Batangas (4.8 percent), Cavite (6.5 percent), Laguna (7.7 percent), Quezon (8.0 percent), at Rizal (7.5 percent). Ngunit ang Highly Urbanized City (HUC) ng Lucena ay nakapagtala ng mas mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing serbisyo at bilihin na umakyat sa 6.3 percent.

Dagdag dito, naitala sa 73 sentimo noong Mayo 2026 ang purchasing power of peso (PPP) o halaga ng piso kumpara sa halaga nito noong 2018.

 

Scroll to Top