ALAM MO BA? Maari ng I-update ang Iyong PhilHealth Information Online gamit ang PhilHealth Member Portal
Magandang araw po!
Upang mapadali at mapabilis ang proseso ng pag-update ng inyong PhilHealth information, hinihikayat po namin ang lahat ng miyembro na gamitin ang PhilHealth Member Portal bilang alternatibong paraan ng pagsusumite ng amendment requests at kinakailangang supporting documents.
Sa pamamagitan ng Member Portal, maaari ninyong maisagawa ang kinakailangang pag-update nang hindi na kinakailangang personal na pumunta sa PhilHealth office at pumila.
Mga hakbang sa pag-update ng impormasyon:
1. Ihanda ang malinaw na larawan o scanned copy ng inyong Valid ID o iba pang kinakailangang supporting documents.
2. Buksan ang PhilHealth Member Portal at mag-log in gamit ang inyong account.
3. Piliin ang Amendment Request/s upang makapagsimula ng request.
4. Para sa mga gumagamit ng mobile phone, maaaring i-rotate ang screen o i-activate ang desktop site upang makita nang maayos ang buong page.
5. I-review at i-update ang inyong basic information, kabilang ang pangalan at birthday, gayundin ang impormasyon ng inyong mga dependents kung kinakailangan.
6. Pumunta sa upload section at isumite ang kinakailangang supporting documents.
7. Tiyaking malinaw at kumpleto ang mga dokumento. Ang file o image ay hindi dapat lumampas sa 2MB at kailangang nasa suportadong format gaya ng .jpeg/.jpg, .png, o .pdf.
8. I-submit ang amendment request at hintayin ang notification o email kaugnay ng status ng inyong request.
Mahalagang Paalala:
Mangyaring tiyaking tama, malinaw, at kumpleto ang lahat ng impormasyong ilalagay at mga dokumentong isusumite. Kung ang isang request ay ma-cancel habang may naka-upload o naka-attach na file, maaaring kailanganin itong i-upload muli sa panibagong request.
Sa pamamagitan ng paggamit ng PhilHealth Member Portal, mas magiging maginhawa, mabilis, at episyente ang pag-update ng inyong membership information.
Para sa iba pang katanungan o concerns, maaari kayong makipag-ugnayan sa PhilHealth 24/7 hotline sa (02) 8662-2588 o gamitin ang mga opisyal na communication channels ng PhilHealth.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at patuloy na pagtangkilik sa mga serbisyong inilaan ng PhilHealth.
