Air Force panalo kontra Army sa unang PSC-AFP PUSO Games
PHIL AIR FORCE VS PHIL NAVY 1ST PSC-AFP PUSO MEN’S VOLLEYBALL
MATAYOG na lumipad ang Airmen at tinalo ang Navymen, 25-22, 25-18, 25-20, upang masungkit ang kampeonato sa men’s volleyball sa unang Philippine Uniformed Services as One (PUSO) sportsfest ng PSC at AFP, na ginanap sa Philsports Arena.
Ngunit napigilan ng Army volleybelles ang Air Force na makamit ang dalawang kampeonato. Nasungkit nila ang gintong medalya matapos talunin ang kalaban sa sunod-sunod na sets, 25-17, 25-23, 25-20.
Magkasamang inorganisa ng Philippine Sports Commission at Armed Forces of the Philippines ang paligsahan. Sa laban para sa bronze medal, tinalo ng Army campaigners ang Firefighters sa tatlong sets, 25-21, 25-13, 25-21, sa men’s division.
Samantala, nanaig ang Seawomen laban sa Policewomen sa limang sets, 25-23, 28-26, 23-25, 22-25, 15-13. Sa Montano Field sa Cavite City, tinalo ng Army batters ang Airmen, 4-2, upang masungkit ang kampeonato sa men’s softball.
Tinalo naman ng Seamen ang Coast Guard clouters, 6-2, at nakuha ang bronze medal.