KWF, Nakipagpulong NCIP sa Antique–Aklan Community Service Center Para sa Isasagawang Balidasyon ng Wikang Ináti

Nagtungo ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Antique–Aklan Community Service Center (AACSC) sa San Jose de Buenavista, Antique noong 20 Hulyo 2026 bilang bahagi ng koordinasyon sa isasagawang Balidasyon ng wikang Ináti.

Nakipagpulong sina Bb. Angelica Ellazar, Linguistics Specialist, at Bb. Hannah V. Salera, Senior Editor at Tagapag-ugnay ng Proyekto kay G. Guillermo A. Ambid III, Focal Point Person ng AACSC.

Tinalakay nila ang layunin ng proyekto, saklaw ng pangangalap ng language profile at wordlist, at ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa NCIP upang matiyak na maisasagawa ang gawain nang may paggalang sa kultura, kaalaman, at mga karapatan ng mga katutubong pamayanan, alinsunod sa mga umiiral na batas at alituntunin.

Nagpahayag din ng suporta ang AACSC sa inisyatiba ng KWF na maidokumento ang wikang Hamtikánon.

Ang pakikipagpulong ay nagsilbing paunang hakbang para sa maayos na pangangalap ng language profile at wordlist ng Wikang Hamtikánon sa Antique.

Mahalaga rin ito upang patibayin ang ugnayan ng KWF at NCIP sa pagtataguyod ng mga gawaing nakabatay sa paggalang sa mga katutubong pamayanan at sa kanilang mga wika at kultura

 

 

 

Scroll to Top