Wanted ng CALABARZON, nadakip sa GMA, Cavite

ISANG wanted mula sa rehiyon ng CALABARZON ang nadakip kamakailan sa General Mariano Alvarez, Cavite.

Nakilala ang akusado bilang si alyas Dex, nasa Regional-Level Listed Most Wanted Person, at naninirahan sa GMA.

Siya ay pinaghahanap dahil sa paglabag sa Seksyon 5, Artikulo II ng Republic Act No. 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinangunahan ng warrant section ng General Mariano Alvarez Municipal Police Station ang pag-aresto dakong alas-4:45 ng hapon sa Reyes, GMA nitong Nobyembre 17.

Ang warrant of arrest ay inilabas ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 159, Morong, Rizal, na walang inirekomendang piyansa.

 

Scroll to Top