Pormal na Binuksan ang PH Startup Week 2026 sa QC, Binigyang-diin ang Inobasyong Teknolohikal
LUNGSOD QUEZON – Pormal na inilunsad kamakailan ng Department of Science and Technology (DOST) ang Philippine Startup Week 2026 sa Quezon City MICE Center, na nagmamarka ng isang mahalagang yugto para sa lumalagong digital economy ng bansa.
Ang linggong aktibidad na ito ay nagsisilbing sentro para sa mga founder, investor, at mga gumagawa ng polisiya upang magtulungan sa pagpapalago ng mga lokal na inobasyon at pagtugon sa mga hamon sa pandaigdigang merkado.
Tinalakay ng mga pangunahing lider ng industriya ang kasalukuyang estado ng startup ecosystem sa Pilipinas nila Atty. Herminio Bagro III (Co-founder, Council TWALA): Binigyang-diin ang pangangailangan para sa matatag na regulatory framework upang suportahan ang digital transformation.
Ria Lu (President, Game Developers Association of the Philippines): Binigyang-pansin ang potensyal ng creative sector na maghatid ng paglago sa ekonomiya sa pamamagitan ng mga high-value digital content.
Dr. Joseph Benjamin Ilagan (Director, Ateneo BUILD): Binigyang-diin ang kahalagahan ng data-driven decision-making para sa katagalan ng isang startup, at ang papel ng akademikong pakikipagtulungan sa industriya upang maging competitive ang mga negosyo.
Keith Detros (Head of Programmes & Partnership, Asia Tech Alliance): Tinukoy ang Pilipinas bilang isang umuusbong na powerhouse sa Southeast Asia at binanggit na ang regional integration at cross-border collaboration ay mahalaga para sa pagpapalawak ng mga lokal na startup.
Muling iginiit ng DOST ang kanilang pangako na magbigay ng imprastraktura at mga grant para sa mga early-stage enterprise.
Ayon sa mga opisyal, ang summit ngayong taon ay idinisenyo hindi lamang para sa networking, kundi para makabuo ng mga konkretong partnership na makakatulong sa mga negosyanteng Pilipino na harapin ang mga hamon sa modernong tech landscape.
Ang kaganapan sa buong lingo ay inasahan ng mga kalahok ang pagdami ng mga oportunidad para sa mentorship at investment pitches. Ang kickoff event ay nagtakda ng mataas na pamantayan para sa industriya, na nagpapakita ng koordinadong pagsisikap na patatagin ang reputasyon ng Pilipinas bilang pangunahing destinasyon para sa tech-driven business development.
