Edmundo Oseo Gatos, Sumabak sa Misamis Occidental Philippine International Chess Championship

National Master Edmundo Oseo Gatos
MALUPITANG
pinag iisipanni National Master Gatos ang kanyang isasagawang pag sulong ng piyesa kontra sa katunggali sa nilahukan nitong Misamis Occidental Philippine International Chess Championship.
 
 
HANDA at puno ng tiwala sa sarili. Ganyan ang paglalarawan kay Edmundo Oseo Gatos na sasabak sa Misamis Occidental Philippine International Chess Championship na magsisimula sa Asenso Misamis Occidental Recreation and Aquamarine Park (AMORAP) sa Libertad Bajo, Sinacaban, Misamis Occidental.

Si Gatos, na isang sertipikadong National Master at Pambansang Tagapagsanay sa Ahedres mula pa noong 2011, ay sariwa pa sa tagumpay noong nakaraang Agosto 7–17 kung saan nagwagi siya sa 2026 ASEAN + Age Group Chess Championships sa Singapore.

“Sana magawa ko nang maayos ang aking laro sa kaganapang ito,” pahayag ni NM Gatos, na karangalan ng Tondo, Maynila.

Dati ring nangungunang manlalaro ng University of Manila noong kolehiyo, nakuha ni NM Gatos ang Indibidwal na Tansong Medalya sa kategoryang Senior Standard. Nagwagi rin siya ng Indibidwal at Tansong Medalya ng Koponan sa Senior Rapid event.

Noong 2025 ASEAN + Age Group Chess Championships sa Bangkok, Thailand, nag-uwi siya ng Pilak na Medalya sa Indibidwal na Standard. Samantala, noong 2024 Malaysia Chess Festival sa Kuala Lumpur, nakamit niya ang Pilak na Medalya sa Senior Division. (MARLON BERNARDINO) 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Scroll to Top