Wanted sa kasong rape, timbog sa Bacoor City
TIMBOG ang isang wanted na may kasong rape sa matagumpay na operasyon ng mga awtoridad kamakailan sa Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang akusado na si alyas na Aron, residente ng Bacoor City, Cavite at bukod sa nakatala bilang isang Regional Level Most Wanted Person ay isa ring High-Value Individual.
Isinagawa ang pag-aresto batay sa mga warrant of arrest para sa paglabag sa Seksyon 5 at 11, Artikulo II ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ang mga warrant ay inisyu noong Oktubre 29, 2026, ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 116, sa Bacoor City, Cavite, na walang inirekomendang piyansa.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit, katuwang ang mga tauhan ng Bacoor City Police Station na nakatalaga sa pagpapatupad ng mga warrant, ang pag-aresto dakong alas-3:30 ng hapon nitong Nobyembre 4 sa naturang lungsod.
