PASABOG SA PASIG! PPA ASIA TOUR MAGAGANAP SA PILIPINAS SA 2027

FORMER PHIL SPORTS CHIEF RICHARD AND PICKLEBALL STAR ANN BRIGHT 
MASAYANG nasaksihan ng mga fanatic fan ang Pickleball Star na si Anna Bright ng bumisita sa Mall of Asia, Music Hall para sa kanyang pag bisita sa bansa kung saan ay nakipagkita sa mga local players at nakipag laro. Sa presentasyon ng Inlife. Kaugnay nito inihayag ni dating Philippine Sports Commission Chairman Bachmann na ang pag-welcome sa mga pandaigdigang bituin tulad ni Bright ay nagsisilbing malaking pampasigla para mahikayat ang isang bagong henerasyon ng mga atletang Pilipino na humawak ng raketa (paddle). 
 
 
​HANDA na ang Pilipinas na maging bagong sentro ng mabilis na sumisikat na sports craze sa rehiyon habang opisyal na inanunsyo ang pagdating ng Professional Pickleball Association (PPA) Tour Asia para sa kanilang historic Philippine debut. Ang inaabangang torneo, na pinangalanang Manila Open 2027, ay nakatakdang maganap mula Pebrero 24 hanggang 28, 2027. 
 
​Nagdetalya ang PPA Tour Asia para sa kanilang unang apat na malalaking kahandaan sa 2027 season, kung saan opisyal na tinanggap ang Pilipinas at Thailand bilang mga bagong teritoryo sa prestihiyosong serye. Ang makasaysayang hakbang na ito ay naglalagay sa bansa sa mapa ng professional pickleball, kasunod ng mabilis na pagdami ng mga lokal na court, klub, at masugid na tagahanga sa iba’t ibang sulok ng kanayunan. 
 
​Itinuturing na isang PPA Asia 500 event ang Manila Open, na may malaking nakatayang premyo at 500 World Pickleball Ranking points para sa mga magtitriumpong kampeon. Dahil dito, inaasahang daragsa sa bansa ang mga bigating pro player mula sa iba’t ibang bansa sa Asya at iba pang panig ng mundo upang makipag-agawan sa korona at magpasiklab sa court. 
 
​Maliban sa mga professional division, asahan din ang pagbubukas ng iba’t ibang amateur age at rating categories para sa mga lokal na netizen at paddle enthusiasts na gustong sumubok at makiisa sa aksyon. Ang mga naghahanap ng karagdagang detalye o gustong magparehistro ay maaaring magtungo sa opisyal na website ng PPA Tour Asia para sa mga update sa ticketing at opisyal na venue.
 
​Ang tagpong ito sa Pilipinas ay bahagi ng maalab na simula ng tour para sa taong 2027, na magsisimula sa Bangkok Open sa Thailand bago tumulak patungong Maynila, sunod ang Penang Open sa Malaysia, at matatapos sa Ho Chi Minh City Open sa Vietnam bago ang pampusisyong PPA Finals sa Estados Unidos. 
 
​Sa pagpasok ng Pilipinas bilang ikasiyam na teritoryo na magho-host ng main tour, tiyak na aabangan ng mga Pinoy sports fans ang isang linggo ng pukpukang laban, pukpukan ng mga paddle, at bakbakang walang humpay sa Pebrero 2027.
 
 
 
 
 
 
 
 
FRANCIS LOPEZ NSAC FINAL MVP 2026 WITH PSC CHAIRMAN, JAI REYES NSAC CHIEF ORGANIZER
 
 
Scroll to Top