KWF AT BPSU, LUMAGDA NG KASUNDUAN PARA SA PATULOY NA PAGTUTULUNGAN
Nagdaos ng Lagdaan ng Memorandum ng Unawaan (MOU) ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Bataan Peninsula State University (BPSU) noong 13 Oktubre 2026 sa Bulwagang Romualdez, KWF.
Layunin ng nasabing kasunduan ang opisyal na pagpapatuloy ng kanilang pagtutulungan at ng mga programa ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa BPSU.
Nagbahagi si Tagapangulong Atty. Marites A. Barrios-Taran ng mensahe para sa pagtataguyod ng pambansang wika at kultura. Nagbigay rin ng mensahe si Dr. Benjamin M. Mendillo, Jr., Fultaym Komisyoner para sa Pangasiwaan at Pananalapi ng KWF, kaugnay ng kahalagahan ng pagpapanatili ng mga SWK sa mga pamantasang pampamahalaan.
Para naman sa BPSU ay nagpahayag ng kaniyang mensahe at suporta si Dr. Ruby B. Santos-Matibag, Pangulo ng Pamantasan. Dumalo rin ang kinatawan ng BPSU para sa pagtataguyod ng SWK na si G. Joshua S. Sarmiento, Instructor I, na siyang nagsisilbing bagong Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura sa pamantasan.
