PUBLIKONG KONSULTASYON NG KWF PARA SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG INI

Nagsagawa ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Publikong konsultasyon para sa Ortograpiya ng Iní noong 2 Oktubre 2026 sa San Fernando Covered Court, San Fernando, Isla ng Sibuyan, Romblon.

Ang gawaing ito ay pinangunahan ng mga mananaliksik ng KWF na sina Dr. Jose Evie G. Duclay, Rolien Mark M. Balisi, at Christian DS. Nayles.

Katuwang din sa proyektong ito ang DepEd-Romblon, sa pangunguna ni Dr. Jordan Solatorio, Indigenous Peoples Education (IPEd) focal ng DepEd-Romblon.

Lumahok sa konsultasyon ang mga elder, kapitan ng barangay, kagawad, at kinatawan ng alkalde mula sa iba’t ibang barangay ng munisipalidad ng San Agustin, Magdiwang, Cajidiocan, at San Fernando.

Dumalo rin ang mga punong-guro at mga pinunò mula sa iba’t ibang paaralan at ang Regional IPEd focal ng Rehiyon IV-B MIMAROPA.

Sa gawaing ito, inilahad ng mga punong-guro at pinunò ng paaralan ang bawat kabanata ng borador upang makuha ang mga komento at mungkahi ng mga kalahok at masinop ang borador ng nabuong ortograpiya.

Ang Pagbuo ng Ortograpiya ng mga Wika ng Pilipinas ay isang patuluyang programa ng KWF sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika, Publikasyon, at Promosyon (SLPP) na naglalayong paigtingin ang dokumentasyon, pagpapaunlad, at pagsusulong sa paggamit ng mga katutubong wika ng Pilipinas

 

Scroll to Top