Inflation rate sa rehiyon ng CALABARZON, naitala sa 7.2 percent noong September 2026

CITY OF LIPA, Batangas – Naitala sa 7.2 percent ang headline inflation sa rehiyon ng CALABARZON para sa buwan ng Setyembre 2026, ayon sa pag-uulat ni Officer-in-Charge Charity O. Bautisa ng Statistical Operations and Coordination Division (SOCD) ng Philippine Statistics Authority (PSA) CALABARZON, sa ginanap na regional press conference nitong Lunes, ika-12 ng Oktubre taong kasalukuyan.

Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ay bahagyang mas mabilis kumpara sa inflation ng rehiyon noong Agosto 2026 na nasa 5.6 percent, at mas mabilis din kaysa noong Setyembre 2025 na naitala sa 2.4 percent. Sa kasalukuyan, ang year-to-date inflation rate mula Enero hanggang Setyembre 2026 ay tinatayang nasa 5.3 percent.

Sa mga pangkat ng kalakal, ang pangunahing dahilan ng mas mabilis na pagtaas sa pangkalahatang presyo sa rehiyon nitong Setyembre 2026, kumpara noong nakaraang buwan ng Agosto 2026, ay ang pagtaas ng presyo ng Food and non-alcoholic beverages na may 5.4 percent inflation. Ito ay sinundan ng Housing, water, electricity, gas, and other fuels na may 10.3 percent inflation.

Gayundin, sa mga grupo ng pagkaing produkto sa rehiyon, ang mga sumusunod na pangkat ay nagpakita ng mas mabilis na pagtaas ng presyo nitong buwan ng Setyembre 2026 kumpara noong buwan ng Agosto 2026: Bigas (15.4 percent inflation); Mais (13.3 percent inflation); Flour, bread and other bakery products, pasta products, and other cereals (6.6 percent inflation); Fish and other seafood (8.1 percent inflation); Fruits and nuts (11.0 percent); Sugar, confectionery and desserts (0.7 percent inflation); at Ready-made food and other food products (5.1 percent inflation).

Ang Vegetables, tubers, plantains, cooking bananas and pulses naman ay nagpakita ng pagtaas ng presyo sa antas na 7.5 percent mula sa pagbaba noong nakaraang buwan.

Sa kabilang banda, ang Oils and fats na may 5.5 percent inflation ay ang pangkat ng pagkain na nagpakita ng mas mabagal na pagtaas ng presyo noong buwan ng Setyembre kumpara noong buwan ng Agosto, taong kasalukuyan.

Samantala, nagpakita ng mas mabagal na pagbaba ng presyo kumpara noong nakaraang buwan ang Meat and other parts of slaughtered land animals na may -2.7 percent inflation at Milk, other dairy products and eggs na may -0.2 percent inflation. 

Sa mga lalawigan at Highly Urbanized City ng CALABARZON, and lahat ng lugar sa rehiyon ay nagtala ng mas mataas na inflation rates nitong Setyemre 2026 kumpara noong Agosto 2026. Ito ay ang mga sumusunod: Batangas na may 5.6 percent inflation, Cavite na may 6.5 percent inflation, Laguna na may 8.2 percent inflation, Quezon na may   7.3 percent inflation, Rizal na nasa 8.1 percent inflation, at Lungsod ng Lucena na may 5.7 percent inflation

Dagdag dito, naitala sa rehiyon ng CALABARZON nitong Setyembre 2026 ang                     72 sentimong halaga ng purchasing power of peso (PPP) o ang halaga ng piso kumpara sa halaga nito noong 2018.

 

Scroll to Top