PAGPAPLANO NG KWF PARA SA FISCAL YEAR 2027 AT 2028
Nagsama-sama ang mga opisyal, pinunò ng sangay, at kawani ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa tatlong araw na aktibidad ng Pagpaplano para sa Fiscal Year 2027 at 2028 na ginanap mula 6–8 Oktubre 2026 sa Greenhills Elan Hotel Modern, Lungsod San Juan.
Binuksan ang programa sa pagpapaliwanag ni Tagapangulong Atty. Marites A. Barrios-Taran sa Limang Haligi ng Aspirasyong Pangwika na magsisilbing pangunahing balangkas at gabay para sa lahat ng panukalang proyekto.
Nagpahayag din ng kanilang mga mensahe sina Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., Fultaym Komisyoner para sa Pangasiwaan at Pananalapi at Dr. Carmelita C. Abdurahman, Fultaym Komisyoner para sa Programa at Proyekto, sa pagtatapos ng programa.
Pinangunahan ni G. Kirt John C. Segui, Senior Language Researcher, ang serye ng oryentasyon sa mga gawain at mga dapat mabatid hinggil sa pagpaplano para sa mga panukalang proyekto sa 2027 at pagbuo ng Tier 1 at Tier 2 Panukalang Proyekto para sa 2028.
Naging bahagi rin ng pagpaplano ang intensibong pagbuo ng borador at tuntúnin kasama ang mga opisina at sangay sa ilalim ng KWF: Opisina ng Tagapangulo (OT), Opisina ng Fultaym Komisyoner (OFK), Opisina ng Direktor Heneral (ODG), Sangay ng Pangasiwaan at Pananalapi (SPP), Sangay ng Lingguwistika, Publikasyon at Promosyon (SLPP), Sangay ng Leksikograpiya at Korpus ng Pilipinas (SLKP), Sangay ng Impormasyon at Multimedia (SIM), Sangay ng Salin, Yunit ng Filipino Sign Language (FSL), Sentro ng Wika at Kultura (SWK), at Gender and Development Focal Point System (GFPS).
