Wanted ng ‘Gapo’ nahuli ng pulis Gentri

NAHULI ng mga tauhan ng General Trias Component City Police Station ang isang wanted kamakailan sa naturang lungsod sa Cavite.

Ang akusadong si alyas Mamar, residente ng General Trias City, ay isang City Level Most Wanted Person, Rank No. 9 ng Olongapo City Police Office.

Siya ay nahuli dakong alas-8:45 ng gabi sa Barangay Pasong Kawayan 2, General Trias City, nitong Oktubre 5 sa bisa ng warrant of arrest.

Ang matagumpay na operasyon ay pinangunahan ng warrant personnel ng General Trias CCPS katuwang ang mga tauhan ng Sector 4, City Investigation and Detection Management Unit at Police Station 5 ng Olongapo CPO.

Ang warrant ay may kaugnayan sa paglabag sa Section 28(a) in relation to Section 28(e)(1) ng Republic Act No. 10591, Section 11, Article II, at Section 12, Article II ng Republic Act No. 9165.

Ang mga warrant ay inisyu ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 97, Olongapo City, na may itinakdang piyansa na ₱120,000 para sa paglabag sa RA 10591; ₱200,000 para sa paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165; at ₱40,000 para sa paglabag sa Section 12, Article II ng RA 9165.

 

Scroll to Top