Pagpapanibago ng Kontrata at Lagdaan ng MOU ng KWF at mga SWK, Isinagawa sa DorSU
Nagtungo sa Davao Oriental State University (DOrSU) sina Tagapangulong Atty. Marites A. Barrios-Taran at Dr. Carmelita C. Abdurahman, Fultaym Komisyoner para sa Programa at Proyekto ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 21 Setyembre 2026 upang palakasin ang pakikipagkaisa sa mga Sentro ng Wika at Kultura (SWK).
Ginanap sa Boardroom ng DOrSU ang muling paglagda ng kontrata para sa SWK ng nasabing unibersidad. Kasabay nito, isinagawa rin ang pagtatag at paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) na nagbibigkis sa KWF at iba pang SWK mula sa Davao del Norte State College (DNSC), Davao de Oro State College (DDOSC), at Southern Philippines Agri-Business and Marine and Aquatic School of Technology (SPAMAST).
Sa pamamagitan ng paglalagda ng kasunduan (MOU), higit pang napalalakas ang pagtataguyod at pagpapalaganap ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa mataas na antas ng edukasyon sa rehiyon.
