GENERALS, NAGPASABOG EAC Tinalo Ang STAGS, 94–87

 MJ RAYMUNDO – EAC VS SAN SEBASTIAN – ARWIN ALFORQUE 
SUMENTRO sa malayang pag basket si Mj Raymundo ng Emilio Aguinaldo College Generals kontra sa mahigpit na depensa ni Arwin Alforque sa kanilang pag babangaan sa ginaganap na NCAA Season 102 Men’s Basketball sa FilOil EcoOil center San Juan City. 
 
Sa wakas, nag tagumpay din ang Emilio Aguinaldo College (EAC) Generals! Matapos ang maaksyong tagpo sa simula, nagliyab ang EAC sa third quarter upang gulatin ang San Sebastian College-Recoletos, 94–87,  sa FilOil EcoOil Centre sa NCAA Season 102.
 
Nangunguna ang Stags sa halftime, 54–51, ngunit nagpakawala ng 27–14 salvo ang Generals sa third quarter para agawin ang momentum at kunin ang 78–68 kalamangan.
 
Bumida si Wilmar Oftana sa pagpapakawala ng 18 puntos at humakot ng siyam na rebounds upang pangunahan ang EAC. Nagdagdag din sina Jacob Shanoda ng 18 puntos, MJ Raymundo ng 17, at Harvae Raymundo ng 12.
 
Hindi naman basta sumuko ang San Sebastian. Mula sa 68–81, rumatsada ang Stags sa 12–3 run para lumapit sa 81–80. Ngunit sa halip na mataranta, muling kumasa ang Generals at tuluyang isinara ang laro.
 
Sa huling buzzer, sumaya ang EAC ng makuha ang 94–87 na unang panalo ito ng Generals sa torneo, kaya umangat sila sa 1–3, habang bumulusok ang San Sebastian sa 0–4. Isang panalo. 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Scroll to Top