TIGRE PANALO SA WARRIORS NG UAAP MEN'S BASKETBALL
MARK LLEMIT – UST VS UE – JM EDOUKOU
NAGPAKATATAG at tumikas sa pag basket si Mark Llemit ng University of Santo Tomas Tigers na hindi alintana ang mahigpit na depensa ng katunggaling si Jm Edoukou ng University of the East ng mag harap sila sa UAAP Season 89 mens Basketball sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
NAGPAKAWALA ng bangis ang University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers bago mag-iwan ng matinding laban para tuluyang tapusin ang laro sa iskor na 98-87 panalo laban sa University of the East (UE) Red Warriors sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Rumatsada sa simula ang España-based squad na kumana ng hanggang 23-puntos na kalamangan gamit ang mabilis na takbuhan at matutulis na shooters. Subalit hindi basta nagpakain sa Tigre ang Red Warriors, na pinangunahan nina Toper Lagat at Mo Tanedo, upang unti-unting isara ang bintana at idikit ang laban sa anim na puntos sa krusyal na yugto ng laro.
Tinanghal na Best Player of the Game ang pamatid-uhaw na swingman na si Mark Llemit, na nagpasabog ng 22 puntos, kasama ang pitong rebounds at tatlong assists. Malaki rin ang naging tulong ni Amiel Acido na nag-ambag ng 16 puntos at pitong rebounds upang panatilihing nasa unahan ang Tigers sa kabila ng maigting na rally ng kalaban.
Para sa UST, nagtala rin ng kani-kanilang kontribusyon ang iba pang pader sa koponan upang suportahan ang opensa at depensa laban sa lumalabang Warriors, na kinapos sa huling yugto ng bakbakan. Sa kabilang kampo, kumayod nang husto si Toper Lagat na may 22 puntos at si Mo Tanedo na sumuporta ng 16 puntos, ngunit nabigo silang pigilan ang pagsisikap ng UST tungo sa kanilang ikalawang sunod na panalo at 2-1 karta.
Naging emosyonal naman si UST head coach Pido Jarencio sa naging takbo ng laro matapos halos masayang ang kanilang malaking abante sa huling quarter. Aniya, “Maganda ‘yung nilaro natin nung una, kaya lang medyo nag-relax noong huli kaya nabuhay ‘yung kalaban. Kailangan naming matuto rito kasi bawat laro sa UAAP ay mahigpit at walang madali.”
Dahil sa panalong ito, umakyat ang UST sa talaan ng team standings habang ang UE ay patuloy na naghahanap ng unang panalo sa taong ito.
FRANCIS LOPEZ NSAC FINAL MVP 2026 WITH PSC CHAIRMAN, JAI REYES NSAC CHIEF ORGANIZER
